Chapter 3

125K 2.9K 14
                                    

Chapter 3
" sino kayo?" tanong nito pero hindi ako nagsalita at napabuntong hininga nalang.

" ayaw mong magsalita ah, sige lakad!" at saka nya ako itinulak gamit ang baril nya.

Mabilis kong kinarga si Blade at saka sumunod sa sinabi nung nasa likod ko. Naglakad kami hanggang sa makadating kami sa may gitna kung nasaan yung bihag at yung matanda.

" at sino naman yang mga yan?!" sigaw nung matanda, tsk! Masyadong highblood.

" hindi ko alam boss, nakita ko lang na nasa may sulok, mukhang maraming narinig" lihim naman akong napaismid sa sinabi nito, sa hina ng pag-uusap ng dalawa kanina, tingin ba nila may narinig ako? Tss.

"eh ano pang ginagawa mo jan t*nto! Patahimikin mo na!" sigaw nito, hindi ba sya napapagod kakasigaw? Ako napapagod para sa kanya eh tsk.

" eh boss, paano yung bata" patukoy nito sa anak ko, buti pa 'to mukhang may konsensya pa sa katawan. Sinilip ko si Blade at tinatakpan pa rin nya ang tenga nya habang nakapikit.

"edi isunod mo na din! b*bo!" napatiim bangang naman ako sa sinabi nito. Magkamatayan na pero hinding hindi nila magagalaw ang anak ko.

" hindi ako magsusumbong at mangengealam. Pabayaan nyo kaming umalis ng anak ko" kalmado kong saad kahit kating kati na akong pagsasapakin ang mukha ng matandang to.

"hah, tingin mo naman maniniwala ako?!" pagkatapos ay bumaling sya sa tao sa likod ko at sinenyasan kaya naman humigpit ang pagkakahawak ko sa anak ko.

" close your eyes baby"malambing na sabi ko at bago pa man maiputok nung lalaki sa likod ko ang baril ay mabilis akong umikot at sinipa sya sa mukha kaya sa ibang direksyon pumutok yung baril bago nya ito mabitawan.

Naka-tawag ng pansin ang putok ng baril kaya naman napa-pasok ang mga bantay sa labas. Labinlima silang lahat at pinalibutan agad ako.

"patahimikin nyo yan!" utos nung matanda kaya naman malademonyong napangisi ang mga nakapalibot sa akin.

" yes boss!" sabi nung isa at inutusan nya yung isa na lumapit sa amin.

Mabilis na sumugod yung isa kaya naman mabilis din akong umilag at sinipa ito sa likod kaya napasubsob ito, sinadya ko itong lakasan para hindi na muna ito makatayo.

Mukhang hindi naman inaasahan nung iba na marunong akong makipaglaban kaya naman gulat silang napatingin sa akin na sinuklian ko lang ng ngisi. Kita sa mukha nila ang pagkainis at sabay na sabay na sumugod sa akin pero bago pa man nila ako malapitan ay may narinig kaming sirena ng pulis.

" parak tol!" napairap naman ako, hindi ba obvious? Pero sa totoo lang nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating ng mga pulis, tsk. Kahit naman kasi marunong akong makipaglaban, hindi ibig sabihin nun na kakayanin ko silang lahat, tao lang ako hindi superhero.

Nang magkagulo na ay ginamit ko na ang pagkakataon para umalis. Tsk, wala pa pala kaming tutuluyan ng anak ko.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon