Chapter 9

97.2K 2.6K 70
                                    

Chapter 9
" you're late Travis. What happened?" pagmumura nya na naman, kapal talaga ng mukha ng boy putla na'to. Hindi ba'to tinuruan na wag magmumura sa harap ng magaganda? Tsk!

"some b*tch was outside and of course I took care of it" sabi naman ni Trabis, buti pa to kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi, maayos ang pagagasalita kaya masasabi kong hindi nagmumura.

"tss. What about her, nasabi mo na ba?" tanong nito habang nakatingin sa akin, konti nalang talaga iisipin ko nang bakla 'to eh, kanina pa nakatingin sa kagandahan ko tsk.

" I said it was a job, but I didn't tell her what kind of job. I think you two should privately talk about it" sabi na naman nito, nahihilo na talaga ako sa kaka-ingles nila, buti nalang hindi dumudugo ilong ko.

" okay. You may leave us" tumango naman si Trabis at saka ako pinaupo sa upuan na nasa kaliwa ni boy putla slash mr. hepa.

" san ka pupunta?" tanong ko.

" kayong dalawa ang magdi-discuss tungkol dun sa Job na sinasabi ko" napatango naman ako sa sinabi nya at hinayaan syang umalis.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa nang umalis si Tandang Trabis. Hanggang sa si boy putla na ang bumasag nito at nagsalita.

" how old are you?" tanong nya, na sa di malamang dahilan ay naintindihan ko kaya naman napasagot ako.

"bente" sabi ko

" educational attainment?" sabi nya ulit at himala dahil parang may sariling utak ang bibig ko at basta nalang sumasagot.

" wala. Hanggang grade 3 lang ako" sabi nung bibig ko, tsk. Ano naman kaya ang kinalaman ng pagiging grade 3 ko sa tinanong nya? Hindi ko talaga ma-gets pero ugh! Basta ang hirap ipaliwanag. Parang naiintindihan ng utak ko yung sinasabi nya at nasasagot ko pero makalipas ang ilang sandali ay hindi ko na maalala kung anong ibig sabihin nung sinabi nya.

" I see. What about status, are you—" napatigil sya sa pagsasalita ng mabilis kong iniharang ang palad ko sa mukha nya.

" magtagalog ka" seryoso kong saad. Hindi na kasi kinakaya ng brain cells ko kakaisip kung papano ko nasasagot yung mga ingles na tanong nya samantalang alam ko sa sarili ko na hindi ako nakakaintindi nun, konti lang.

" fine. sabi ko, kung anong tayo mo sa buhay? Single ka ba, kasal?" sabi nya, galing talaga nyang magtagalog, diretso yung pananalita at ang yummy—ehem, nevermind.

" single" sagot ko.

" good. Eto ang kontrata, pirmahan mo lang to, at makakapagsimula ka na" sabi nya, kinuha ko naman ang kontrata pero hindi ko to binasa at taimtim lang syang tinitigan.

" anong trabaho ba to?" tanong ko, hindi maganda ang kutob ko sa trabahong 'to dahil sa mga tanong nya kanina, lalo na yung pang huli.

" simple lang,  at ito ay maging ASAWA ako"

Loading.... Ano daw?

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon