Chapter 14 (part 1)

78.4K 2.1K 25
                                    

Chapter 14 (Part 1)
Napatingin ako sa gilid kung nasaan ang mga alagad ni kuya paa at halatang gulat pa rin sila sa nangyari. Unang nakabawi yung lalaking nakausap ko kanina at saka nya inutusan yung mga kasama nya na sugurin ako pero napatigil sila ng may umalingawngaw na putok ng baril.

Napatingin kaming lahat kung saan 'yon nanggaling at nakita ang mga nasa sampung pulis sa may entrance. Tama ako, sila yung naramdaman ko pagdating ko dito kanina.

" walang gagalaw, napapalibutan na namin kayo" sabi nito kaya napangisi ako at mabilis na tinadyakan yung emergency button sa may gilid ko kaya biglang dumilim ang buong paligid.

Sinamantala ko ang pagkakataon na nagkakagulo silang lahat at mabilis na tumakbo papunta sa mga kaibigan ko sa may sulok. Pagkatapos ay pinindot ang isa pang button at sabay sabay kaming lahat na lumusot sa isang lagusan na papunta sa isang bahay ilang metro ang layo mula dito.

"da best ka talaga Val!" tuwang tuwa na sabi ng mga kasamahan ko habang ginagamot ang mga sugat nila.

" tsk. Huli na 'to. Kaya sa susunod wag nyo nang hahayaan na may mangyari sa Arena" sermon ko at naglakad papunta kay Jess.

" akin na susi, bayad nyo yon sa pagliligtas ko sa inyo"sabi ko at wala naman syang nagawa kundi ibigay ang susi ng motor nya.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon