Chapter 11

103K 2.4K 30
                                    

Chapter 11
" sino to?"

[ wew, wala man lang ba hello jan Val?]

" tsk, wag mo akong badtripin dahil kanina pa mainit ulo ko."
Pagbabanta ko na umepekto naman dahil nanahimik ito sa kabilang linya.

[k fine.] sabi pa nito at nai-imagine ko na yung itsura nyang nakairap, tsk bakla!

" anong kailangan mo?" sabi ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa apartment namin.

[ may naghahamon sayo] sabi nya.

" alam mong gusto ko ng bagong simula Jess" madiin kong saad. Kaya nga ako nagpapakahirap na maghanap ng matinong trabaho para nang sa ganon ay wala ng gumulo sa amin ng anak ko. Tama na yung sila Dagul lang ang humahabol sa akin.

[ sabi ko nga. Pero kasi Val, malaking pera yung pusta dito saka may naghahari-harian dito kasi natalo nya na lahat. At ikaw nalang ang pag-asa namin kasi wala naman kaming magawa kundi sumunod. Palibhasa may kapit sa sindikato] pinaghalong inis at pagkakabahala ang nabakasan ko sa boses nya.

" hindi ko alam Jess, alam mong ayoko na. At isa pa, kasasabi mo lang na may kapit, ayokong may dumagdag na naman, tama na yung sila Dagul pwede?" sabi ko naman.

[ o-okay, hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero sana magbago ang desisyon mo, hindi lang para sa akin, kundi para na din sa mga nakasama mo nuon dito. Hindi kami makalabas dito sa arena, lahat kami ay parang preso na saka lang pinapakawalan kapag may laban. Ngayon lang ako nakalabas kasi nga nakipagpustahan ako. Sinabi ko na kapag natalo mo sya aalis sya dito sa Arena.] saad nya na nagpakulo ng tubig este ng dugo ko.

" nagpa-alam ka pa kung naipusta mo na pala! Bwisit ka sa buhay" inis na bulyaw ko at pinutol na ang tawag. Tsk! Hindi ako tanga dahil alam kong sya naman ang mapapahamak kapag hindi ako sumipot, kahit kailan talaga sakit sa ulo yung tar*nt*dong yun!

At dahil nga sa ginawa nya wala na akong magagawa kundi ang sumipot, kahit naman kasi may sira sa ulo yung Jess na 'yon eh hindi ko naman sya pwedeng pabayaan. Isama mo pa yung mga nakasama ko din sa Arena nuon tsk! Bahala na, basta huli na'to.
Napatingin ako sa dinadaanan ko at saka inilibot ang tingin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang may mapagtanto.

Naliligaw ako!

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon