Chapter 15

80K 2K 21
                                    

Chapter 15

" salamat" sinsero kong pagpapasalamat kay Boy Putla.

Nandito kami ngayon sa library na parang office nya na din at dito kami nag-uusap. Si Blade naman ay iniwan namin sa kwarto kung saan ako nagising kanina para makapagpahinga na sya.

"you're welcome" pormal na pormal na sabi nya.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sya na rin ang bumasag nito.

" so you have a son" pagkukumpirma nya kaya napatango ako.

" then why did you say that you're single?" kunot noo ko syang binalingan.

" wag mo'kong murahin" sabi ko, hindi ko na kasi maintindihan yung sinabi nya, malay mo minumura na naman ako.

" hindi kita minumura. Tinatanong ko kung bakit mo sinabing single ka?" ah, yun naman pala.

" single naman talaga ako. Alangan namang sabihin kong married ako eh wala naman akong asawa, duh" pambabara ko sa kanya.

" but you have a son" para inis na sabi nya.

" eh ano naman ngayon? Pag single ba hindi pwedeng maging ina? Ever heard of the word 'single mom' mister?" naknang! English yun ah hahaha.

" tss. Okay fine, I get your point" sabi nya kaya napangisi ako.
" good" sabi ko pa.

Tumahimik na naman kaya ako na ang nagkusang magsalita.

"bakit?" tanong ko.

" anong bakit?" naguguluhan nya namang saad kaya napairap ako.

" bakit mo gustong magpakasal sa akin? Sa nakikita ko maraming papayag agad agad na maging asawa mo, sa gwapo mong yan?" tanong ko.

" so gwapo ako para sayo?" nakangisi nyang sabi kaya kahit wala naman akong iniinom ay nasamid pa rin ako.

" ang sabi ko gag*, maglinis ka nga ng tenga mo, kapal ng mukha" inis na sabi ko pero tumawa lang ito, siraulo!

" bakit ikaw? Kasi...."

Kasi?

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon