Chapter 12 (part 1)

100K 2.5K 150
                                    

Chapter 12 (Part 1)
Hapon na ng makabalik ako sa apartment namin ni Blade, kung saan saan pa kasi ako nakadating dahil lang sa hindi ko na matandaan ang padaan pabalik. Buti nalang may nakakilala sa akin, ang sabi kapit bahay daw namin kaya ayun, sinama ako pabalik dito.

" salamat" pasasalamat ko dun sa tumulong sa akin.

" walang anuman, at Mario ang pangalan ko" nakangiti nitong sabi.

" ah" walang gana akong tumango at pumasok na sa loob ng apartment. Wala akong tiwala sa paligid ko kaya as much as possible (naks! Ingles yon!) ay hindi ako nagsasabi ng pangalan ko. Pakealam ko ba sa pangalan nya diba? Ang importante nakapag-pasalamat ako sa ginawa nyang pagtulong.

Napatigil ako sa paglalakad ng sumalubong sa akin si Blade.

Kunot na kunot ang noo nya at nakapamaywang pa habang nakasuot ng apron at may hawak pang sandok.

"anong style yan?" natatawa kong tanong, itsura nya kasi parang nanay na nahuli ang anak na nakikipaglandian sa labas.

" tss. Who's that?" tanong nya na naintindihan ko naman. Ewan ko ba basta kapag tong bubwit na 'to ang nagsalita ng ingles, kahit sobrang haba pa ay naiintindihan ko.

" di ko kilala. Kapit bahay daw natin" sagot ko at naupo sa may lamesa.

" you don't know him yet you two are talking like you've known each other for years?" malamig na pagmumura nya este pagsasalita sa ingles.

" hala sya oh. Wag ka ngang OA. Nagpasalamat lang naman ako" sabi ko na ikinataas ng kilay nya, sungit!

" and why would you magpapalasamat?" inis na tanong nya kaya natawa ako.

" magpapasalamat yon hindi palasamat okay? At ano bang nakain mo jan? selos ka ba?" nang-aasar kong saad at saka itinaas baba yung kilay ko.

" I'm not!" sabi nya at nagdadabog na nagpunta sa may kusina para siguro ituloy pagluluto nya. Sya lang naman kasi ang marunong sa gawaing bahay eh. Wala talaga syang maaasahan sa akin pag dating sa ganyan.

"sus hindi daw? Wag kang mag-alala, ikaw lang sapat na!" sigaw ko at saka tumawa ng tumawa, nai-imagine ko na kasi yung nakabusangot nyang mukha.

Pagkatapos nyang magluto ay agad kaming kumain at ngayon nga ay nandito kami sa kwarto dahil papatulugin ko muna sya bago ako pumunta sa Arena.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon