Chapter 17
KINABUKASAN
Nagising ako ng makarinig ako ng kalabog. Alerto kong inilibot ang paningin ko at napatigil nang may makita ako yummy—este lalaki na nakatayo at sobrang sama ng tingin sa akin. Bihis na bihis ito na akala mo naman may kasal na pupuntahan.
" anong oras na Victoria?!" bulyaw nito kaya naman nagulat ako. Pero tinignan ko pa rin yung suot kong relo at nakitang alas dyes (10:00) na ng umaga.
" alas dyes. At bakit ka ba nakabulyaw?! Ikaw na nga lang nagtatanong, ikaw pa nambubulyaw!" inis na sabi ko.
Napasapo naman ito sa noo nya na parang problemadong problemado, kulang nalang ibalibag ako sa sahig. Pero infaireness, para syang model ang yumm—
" 2 hours mo akong pinaghintay sa baba tapos makikita kong hindi ka pa naka handa?! Anong oras na oh!" napatayo na ako dahil nagsisimula na din akong mairita.
" alas dyes na nga, paulit ulit?! At sino ba kasing nagsabi sayong hintayin mo'ko sa baba?! Bakit saan ba lakad mo?! Kailangan ba kasama ako eh wala naman akong pupuntahan ah!?" hingal na hingal ako matapos kong sabihin yun, tsk! Ang aga aga, napapasigaw ako -.-
" ugh! 30 minutes Victoria! Umayos ka dahil kung hindi ako mismo ang magpapaligo at magpapalit sayo!" ayos lang—este wala akong sinabi.
Umalis na sya kaya napatingin ako kay Blade na tulog na tulog pa rin. Tignan mo 'tong batang to, nagsigawan na kami't lahat hindi pa rin nagigising, tulog mantika tsk!
Nakita ko sa may sofa ang dalawang box kaya nilapitan ko ito at binuksan. Agad kong nakita ang isang kulay puting dress na simple at maganda ang design. May kasama din itong killer heels na asa naman na isusuot ko.
Yung isang box naman ay naglalaman ng maliit na damit na pangmayaman. Mukhang para kay Blade kaya ginising ko na ang batugan kong anak at pinagayos. Hindi ko pa rin alam kung saan ang punta namin at bakit ganito ang suot, pero hayaan na.
Napangiti ako nang lumabas si Blade at sobrang cute nya sa suot. Agad kong kinurot ang pisngi nya pero hindi man lang sya nag react.
" tss, oo na ikaw na gwapo. Baba na, kanina pa tayo hinihintay ni Boy putla" sabi ko, tumango naman sya at hinalikan lang ako sa pisngi bago lumabas.
Ako naman ang sunod na naligo at pagkatapos ay isinuot ko agad yung dress. Kasyang kasya ito sa akin kaya kitang kita yung mga kurba ng katawan ko.
"naks! Chicks na chicks ka Val!" natatawang sabi ko habang nakatingin sa salamin.
Inilugay ko lang ang buhok ko at hindi na nag-abala pang ayusin ito at saka hinanap yung rubber shoes ko. Baduy na kung baduy pero hindi ko isusuot yung killer heels na yon, kahit magkamatayan pa.
Paglabas ko ay sakto namang nakita ako ni Trabis kaya agad nya akong hinila.
" andito ka lang pala, kanina pa nagaaribudo si Xander sa baba. Magi-start na yung kasal" sabi nya.
" nagaaburido Trabis hindi aribudo. At anong kasal? Sinong ikakasal?" taka kong tanong.
Hala, kasalan?
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife [COMPLETED]
VampireAng tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabihin nito na hindi pwede ang tao at bampira? Tao pa rin naman sila diba? May dalawang paa, dalawang ka...