Chapter 10

100K 2.4K 63
                                    

Chapter 10
" Maging ASAWA ko..."

Tsk! Kanina pa bumabalik sa ala-ala ko ang sinabi ng boy putla na 'yon na parang sirang plaka. Hindi mawala sa isipan ko na para bang nang-aasar.

Ni sa panaginip ay hindi ko nakikita ang sarili ko na maikakasal. Nakatatak na sa puso't isipan ko na mabubuhay ako ng payapa at malayo sa gulo kasama lamang si Blade. Para kasi sa akin ay masyadong magulo ang buhay mag-asawa, hassle kumabaga dahil kailangan ay magkasama kayo sa lahat. Lahat ng kanya, sayo, at lahat naman ng sayo ay kanya. May karapatan na paki-alamanan ang isa't isa at kung anu-ano pang ka-echosan sa buhay. Kaya hindi ko talaga pinangarap na makasal, dahil una; wala akong napupusuan, pangalawa; ayoko na pinapake-alaman ako, at pangatlo; nakakatamad . -.-

Kaya nang sabihin kanina ni boy putla ang katagang iyon ay mabilis akong tumayo sinapak sya at umalis. Hindi naman nya ako napigilan dahil siguro sa lakas ng sapak ko sa kanya pero bago pa ako makalabas ng building ay may inabot sa akin yung isa sa mga parang ninja. Calling card daw ni Boy putla at pinapasabing tawagan ko lang sya kapag nagbago ang isip ko. Sa inis ko ay nasapak ko din yung nagbigay sa akin nung calling card bago umalis.

Siraulong boy putla yun! Anong akala nya sa akin prostitute? Isa pa yang si tandang Trabis, sarap sapukin tsk!

~~she's all layed in the bed with a broken heart,
while I'm drinking Jacks all alone in my local bar~~

Umalingawngaw ang boses ni Blade na kumakanta kaya agad kong hinugot sa bulsa ko ang mumurhin kong cellphone. Wala akong ibang kanta dito na pwedeng gawing ring tone kaya naman pinakanta ko nalang si Blade. Hindi ko man maintindihan yung sinasabi ni Blade, at least maganda boses nya.

" sino to?" sagot ko sa tawag, number lang kasi.

[ wew, wala man lang ba hello jan Val?] boses palang kilala ko na agad.

Tsk!

Ano naman kaya ang kailangan ng bugok na' to? -.-

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon