Chapter 38

77.3K 1.6K 79
                                    

Chapter 38

"Ano ba Victoria?! Pinayagan kitang tumira kaya matuto ka namang rumespeto! WAG MONG PAIRALIN 'YANG UGALING HUNTER MO!"

Napatulala ako sa sinabi nya hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

A-Ano daw? A-Anong sabi nya?

Natauhan lang ako nang makaramdam ako ng kirot sa may paa ko kaya napatingin ako dito  at nakitang maraming naka-usling bubog sa binti ko.

"ha-ha" mapakla kong tawa habang isa isang inaalis ang bubog sa binti ko.

Nang maalis ko lahat ay dahan dahan akong tumayo at napahawak sa mesa para sa suporta. Nakaramdamn ako ng kirot sa magkabilang binti ko pero walang wala iyon sa kirot ng puso ko. Ang sakit. Para itong sinasaksak ng paulit-ulit at hindi ko alam kung paano iyon pipigilan.

Huminga ako ng malalim bago umayos ng tayo at naglakad papunta sa pintuan. At habang naglalakad ako ay paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sinabi nya.

"Ang sakit" mahinang bulong ko at napahikbi nalang.

Nakalabas na ako ng bahay nila at nagpatuloy sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang gusto ko lang ngayon ay makalayo. Makalayo sa bahay na 'yon, at baka sakaling maalis ang sakit ng puso ko.

Bigla akong napa-upo sa gilid ng kalsada dahil biglang namanhid ang binti ko. Pag tingin ko dito ay napakadaming dugo na lumalabas at maski sa dinaanan ko na ay may naiwan pang bakas ng dugo ko.

Napahagulgol nalang ako habang yakap yakap ang binti ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba syang ilaban.

Napatingala ako nang may maramdamang tumapik sa balikat ko at nakita ko sya.

" baki—"

" sorry" putol nya sa sasabihin ko sana at saka ako nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa dumilim na ang paligid.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon