Chapter 39 (Part 1)
Nagising ako at napatingin sa paligid. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero napangisi nalang nang mapagtantong nakatali ako. Kung ganon, tama nga ako, traydor sya.
" gising ka na pala" naikuyom ko ang kamay ko ng makita sya.
"traydor" madiin kong sabi. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. Walang magagawa ang emosyon sa ganitong
kalagayan dahil hindi naman ako maililigtas nito."hahahaha!" tawa lang ang isinagot nya ang naglakad papunta sa akin.
Mahigpit nyang hinawakan ang buhok ko at itiningala sa kanya.
" Ngayon mo ilabas ang tapang mo Val. Hahahaha" nababaliw na sabi nya at sinampal ako ng malakas.
Napabaling ako sa kanan pero mabilis din nyang hinila ang buhok ko para mapatingin ako sa kanya. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa labi ko.
" Sa totoo lang hindi ko alam kung anong kailangan sa 'yo ni Boss. Wala namang espesyal sa 'yo? Tsk tsk" sabi pa nito na
napapailing." kung ganon hindi mo pa pala ako kilala Travis" ngisi ko kahit na mahirap dahil sa sugat sa bibig ko.
Oo, si Travis ang traydor, tsk! Kaya pala napaka-pamilyar ng boses, nasa tabi ko na pala, at nakasama ko pang kumain!
Mariin kong itinikom ang labi ko nang bigla nya akong sikmuraan. Ramdam ko ang sakit pero hindi ako nagbigay ng kahit anong tunog. Hindi hindi ko hahayaan na makita nila akong mahina." matigas ka ah. Tignan natin" at mabilis na sumalubong sa mukha ko ang kamao nya. Sunod sunod 'yon kaya naman para itigil na nya ay nagpanggap akong nawalan ng malay.
" tsk! Weak!" sabi nya nang mapansing wala na akong malay at saka ko naramdaman ang pag-alis nya.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife [COMPLETED]
VampireAng tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabihin nito na hindi pwede ang tao at bampira? Tao pa rin naman sila diba? May dalawang paa, dalawang ka...