Chapter 29

73K 1.8K 16
                                    

Chapter 29

Matapos ang epic na nangyari sa kusina ay nagpasya nalang kaming tumungo sa may library ni Xander. Kaming dalawa lang ng lola nya kasi private talk daw kaya naiwan muna sa Blade dun kay Xander at mga kapatid nya.

" I'm actually against this marriage" panimulang pagmumu—este pagsasalita ni lola. Hindi ko naintindihan pero hinayaan ko nalang.

"alam mo naman sigurong may nakatakda na papakasalan dapat ni Alexander kung hindi lang sya naglayas diba?" tumango naman ako.

Alam kong si Trisha panget ang tinutukoy nya.

"but my grandson wants you. Gusto ka nya iha. Gustong gusto kaya naman kahit alam kong magagalit ang kanyang lolo pag nalaman ito ay pumayag akong itago muna. Kitang kita ko kasi ang saya sa mukha ni Alexander habang tinitignan ka nya, kayong dalawa ng anak mo. Hindi ko pa nakikitang ganun kasaya ang apo ko, ngayon lang kaya sana... sana hindi mo sya iiwan. Sana tanggapin mo sya kung ano man ang maaaring matuklasan mo sa kanya" saad nya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kasi may laman ang mga sinabi nya.

" makaka-asa ho kayo" tipid na ngiti na sabi ko.

Masaya ako kasi tanggap nila ako pero alam kong may hindi pa ako nalalaman tungkol sa kanila. At mayroon din silang hindi pa nalalaman tungkol sa akin.

Sana lang rin... hindi tama ang kutob ko.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon