Chapter 14 (part 2)

81.4K 2.1K 27
                                    


Chapter 14 (Part 2)
Agad akong lumabas ng bahay at nagdrive pabalik sa apartment, buti nalang may GPS yung motor kaya hindi na ako naligaw.
Napakunot noo ako ng may makitang usok na nagmumula sa may apartment namin.

" lint*k!" mura ko at mas pinaharurot pa ang motor.
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa anak ko!

"Tabi!" sigaw ko at pinagtutulak yung mga bumbero na pinapatay yung apoy.

At para akong mahihimatay ng makita kong mismong apartment namin ng anak ko ang nasusunog.

"Blade!!" naiiyak na sigaw ko at wala habas na pinasok yung nasusunog na apartment. Rinig ko pa ang pagpigil nila sa akin pero wala akong pakealam. Yung anak ko nasa loob!

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay may humawak sa kabilang braso ko para pigilan ako.

" puny*ta! Bitiwan mo ako!!" sigaw ko, nanlalabo na rin yung mata ko dahil mas lumakas pa yung apoy.

" wag kang papasok sa loob! Magpapakamatay ka ba?!" pero hindi ko pinansin yung sinabi ng tao sa likod ko at patuloy pa rin sa pagpupumiglas.

" bitiwan mo ako! Parang awa mo na! yung anak ko nasa loob!!" sigaw ko. Wala na akong pakealam kung ano man ang itsura ko ngayon, kailangan kong iligtas yung anak ko. Kung bakit ba kasi iniwan ko syang mag-isa eh! Ang tanga ko! Wala akong kwentta!
Bigla kaming tumilapon dahil sa isang pagsabog pero hindi ko ininda ang sakit ng katawan ko. Nakatulala lang ako sa harap ng apartment ko na nilalamon na ng apoy. Tumutulo na din ang luha ko pero wala akong pakealam. Si Blade nasa loob. Yung anak ko.

" B-Blade.." bulong ko at tuluyan nang napahagulgol.

Dapat kasi hindi na ako umalis kanina! Dapat kasi binantayan ko nalang sya! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Wala akong kwen—

" mommy?" napatigil ako ng marinig ang boses ni Blade.

"mom, why are you crying?" napalingon ako at mas lalong napaiyak ng makita ko ang anak ko na maayos at nakatayo sa likod ko.

" B-Blade!!" sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit.

" ligtas ka Blade.. ligtas ka" bulong ko bago magdilim ang paligid.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon