Chapter 25

78.4K 1.9K 50
                                    

Chapter 25

" she's Victoria. My wife" bumilis ang tibok ng puso nang sabihin nya yon. Ang sarap sa pandinig kaya hindi ko na napigilang mapangiti.

"what?! You're kidding right?!" nagfre-freak out na sabi nya at sinamaan ako ng tingin kaya nginisian ko sya.

" no I'm not. And.." bigla nya akong hinila patayo at hindi na ako nakapalag nang akbayan nya ako. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

" I like her. A lot" nanigas ako sa sinabi nya. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung anong mararamdamn ko. Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang emosyon sa mga mata nya.
Napakalas nito at tingin ko ay unti unti akong nalulunod sa titig nya.

" NO! You can't love a human Alexander! You're already tied to me and only me! You're mine Alexander!" sigaw nya at nagulat nalang ako ng bigla ako nitong sinugod at sinakal.

Napahawak ako sa kamay nya dahil hindi na talaga ako makahinga at nagulat nang maramdaman kong sobrang lamig nito.

Panandalian lang 'yon dahil mabilis din akong nakawala dahil malakas syang itinulak ni Alexander. Sa sobrang lakas ay tumilapon si Trisha sa may mga mamahaling vase at kitang kita ko kung gaano kalaki ang sugat nya sa braso.

Gusto ko sana silang pigilan pero unti unting nanlabo ang paningin ko.

" WIFE!" huling narinig ko bago ako kinain ng dilim.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon