Chapter 27 (part 2)

73.3K 1.8K 38
                                    

Chapter 27 (Part 2)

Umayos ako ng upo nang makalapit sila sa akin at nagtabi tabi kaming tatlo. Himala nga dahil nang tumabi sa akin si Alexander ay hindi man lang umalma si Blade at ngumiti lang. Tapos silang dalawa nalang lagi yung nag-uusap na para bang may sarili silang mundo.

" hoy" mahinang bulong ko kay Alexander nang matyempuhan ko na hindi nakatingin si Blade.

" hmm?" tanong nya at iniyakap ang kamay sa bewang ko.

" anong pinakain mo jan sa bata at magkasundo na kayo?" nagdududa kong tanong.

" wala" sabi nya kaya naman dumistansya ako ng kaunti at tinitigan sya sa mukha.

" sigurado ka?" hindi pa rin naniniwala na sabi ko.

" wala nga" natatawa nyang sabi at biglang ibinaon ang mukha sa leeg ko.

" ang bango talaga ng leeg mo" kinilabutan naman ako lalo na nang amuyin nya yung leeg ko. Ramdam ko rin na nagtaasan ang balahibo sa batok ko.

"tsk, lumayo ka nga" sabi ko nalang at itinulak ng bahagya ang mukha nya.

" sungit" nakangusong sabi nya bago bumaling sa TV. Lihim nalang akong napangiti.

Alas sais na nang hapon ng matapos ang ika sampung movie at tulog na din ang dalawa kong kasama. Napailing nalang ako habang may munting ngiti sa labi nang makitang magkayakap sila matulog. Para silang tunay na mag-ama.

Inayos ko lang yung mga kaunting kalat at tatabi na rin sana sa kanilang dalawa nang may biglang mag doorbell.

" istorbo" nai-usal ko nalang at saka naglakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko ito at napakunot noo nang makita ang isang magandang babae. Sino naman kaya 'to?

"Where's Alexander?" nakataas ang kilay na tanong nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

" sino ho sila?" magalang na tanong ko kahit na gusto ko din itong taasan ng kilay. May nagsasabi kasi sa akin na dapat igalang ko'tong babaeng to.

" You don't need to know" matarat na sabi nito at basta nalang pumasok sa loob. Gulat ko naman itong sinundan.

" ALEXANDER GREY!" malakas na sigaw nito kaya naman napabalikwas si Alexander sa pagkakahiga. Hindi ako nangangamba na magising si Blade dahil tulog mantika ito at mahirap talagang gisingin.

" a-asan sunog?! A-anong... LOLA?!" gulat na sigaw ni Alexander pero mas nagulat ako sa sinabi nya. Lola? Ganyan ang itsura tapos lola?! Abay mas matanda pa yata ako sa babaeng yan eh!
At nagulat nalang rin ako nang may magpakita na dalawang babae at naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

" Ate Jade?! Alex?!" baling nya sa dalawang babae.

" nice house twin" sabi nung tinawag na Alex habang inililibot ang tingin hanggang sa mapatingin sya sa akin.

" Oh my God!" mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako, feeling close si ate.

" ALEXANDRA!" sigaw ng lola kuno nila kaya naman napabitaw si alex sa akin at bumalik dati nyang pwesto.

" H-How did you found me?" takot na tanong ni Xander kaya naman alam kong pamilya nya nga to.

" That doesn't matter! Is she your wife?!" sigaw na naman ng lola kuno nila. Hindi kaya nananakit lalamunan nya kakasigaw?

"Y-Yes" sabi naman ni Xander.

Lalapitan na sana ako ng lola kuno nila ng bigla itong pigilan ni Xander.

" L-Lola, let's talk privately, please" pagmamaka-awa nito.

Tumingin muna ang lola kuno nila sa akin bago sila naglakad papunta sa hindi ko alam.

Nang mawala sila sa paningin ko ay agad akong nataranta. Parang ngayon lang kasi nagsink in sa akin na pamilya na yon ni Xander, pamilya nya na pawang mapuputla din! Ibig sabihin sila ang pamilya Putla?

Oo na, korni na 'yung joke. Pero ano nang gagawin ko? Hala!

" m-mommy?" napatingin ako sa anak ko na kagigisng lang kaya agad akong lumapit sa kanya.

" tulog ka pa" sabi ko pero umiling ang sya at umupo.

" may probmela ba mom?" tanong nya.

" problema hindi probmela. Pero nak, meron nga at hindi ko alam ang gagawin ko" nahihiya kong sabi. sa tanang buhay ko kasi ay ngayon lang ako nawalan ng solusyon sa isang problema hindi katulad nuon na lagi kong nagagawan ng paraan.

" what is it?" napatingin ako sa kanya.

" n-nandito yung pamilya ni Alexander" saad ko habang nakatingin sa kanya at naghihintay ng pwede nyang i-suggest.

" and?" taas kilay nyang dugtong.

" At g-gusto kong ma... magustuhan n-nila ako" hiyang hiya kong sabi habang iniiwas ang tingin.

" I see...Why don't we cook for them mom?" napatingin naman ako sa kanya.

" hindi ako marunong. Baka masunog ko lang yung kusina" sabi ko.

" then I'll teach you" sabi naman nya at wala na akong nagawa nang hilain nya ako sa kusina.

Sana lang mag work ito.

To be continued...

The Vampire's Wife [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon