Chapter Forty Eight

1K 34 22
                                    

Past

Nakakarinig ako ng mga mahihinang sigaw sa hindi kalayuan. Hindi ito katulad ng mga kagaya kanina na halos mabingi ka sa sobrang lalakas, sinasabayan ng sunod sunod na pagsabog sa loob ng Glitch.

Pumupungay pa ang aking mata at sinusubukan kong dumilat ng maayos. Tila ba kagigising ko lamang sa isang mahimbing na pagkakatulog. Nagkaroon ako ng konting aninag at ang unang bumungad sa akin ay isang ilaw. I blinked, trying to recall everything.

Sinubukan kong umupo at naramdaman ang pag-alog ng aking pinupwestuhan. Am I in bed?

Sa huli kong pagkakaalala, lahat kami ay nasa Main Hall, sunod sunod na pagsabog, mga hiyaw na paunti unting nawawala sa paglipas ng oras, at ang pagsaksak ko sa aking sarili upang tumigil ang pagnanais kong manakit.

I touched my nape. Anong nangyayari? Tuluyan ko ng napansin ang aking paligid. I am in a white neat room. Tinignan ko ang pinuowestuhan ko at isa itong kamang napakalambot.

Hindi dapat ako naririto!

Inilibot ko ang paningin ko at nakumpirma ko na nasa isang silid ako. Medyo malaki ito ngunit walang laman kung hindi isang kama, lamesa na gawa sa kahoy, at upuan. Mayroon ding isang pintuan na sa aking hula ay ang palikuran.

Napahawak akong bigla sa ulo ko. I can still feel the cold. Isa rin sa naaalala ko na nahuli ako ni Supremo, yun na ang huli kong naaalala bago ako nawalan ng malay at nagising sa silid na ito.

Ilang minuto pa ng nagkaroon ako ng lakas. Sa panahon na ibinaba ko aking paa sa sahig, bigla akong nagulat.

What the heck?

Hindi ko agad napansin na nakakadena ang isa kong paa sa isang sulok ng kama. Sinubukan kong tumayo dahil medyo nanghihina pa ako, marahil narin sa lamig na ipinasok ni Supremo sa katawan ko.

"Shit!" utas ko. Nanghihina at medyo nanginginig parin ako. This chain is so thick! Alam ko rin na hindi ito basta bastang kadena, kung hindi gawa ito sa isang matibay na materyales.

Bahagya akong umupo sa sahig upang mas maging epektibo ang pagsubok ko sa pagtanggal sa kadena. I need to hurry! Sa hindi kalayuan ay naririnig ko ang pagsabog kaya alam ko na nasa parte parin ako ng Glitch, I just don't know where exactly I am. I need to go back to my friends! Hindi ako makapapayag na itaya nila ang buhay nila para lang iligtas ako, at ako nandito dahil mayroon lamang kadena sa aking paa.

If I have to cut a foot, I won't freaking hesitate!

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi parin ako nagtatagumpay. Isa pa sa ipinagtataka ko ay parang mas nanghihina ako. I can't be here right now!

"It's no use. That chain sucks magic energy, kung sino ang may suot nyan ay lalong manghihina."

Bigla akong napabalikwas, pinilit kong tumayo at humakbang papalayo.

Nagulat ako ng may makitang babaeng nakasuot ng puting bistida. Her skin is as white as a snow, color blonde ang buhok at kulay Hazel ang mata. Agad akong mas umatras.

Nakita niya ang pagiging agresibo sa paglayo ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. Doon ko napansin na mayroon siyang dala na tray at may mga pagkain iyon. Ibinaba niya ito ng dahan dahan sa kama at akmang lalapit sa akin.

"Don't come near me!" I blurted out. Sa pagtataas ko ng boses, akala ko ay magagalit ang babae. Sa gulat ko, huminto siya sa paglapit at bumuntong hininga bago siya bumalik sa pwesto niya, sa kabilang side ng kama.

I don't know who she is, pero kung dito ako dinala ni Supremo, malaki ang chance na kasabwat siya at siya ang naatasan na magbantay sa'kin.

Muli itong bumuntong hininga at naupo sa kama. Matiim ko namang pinagmasdan ang kilos niya.

She looked at me intently. "I'm sorry, I didn't know that it'll come to this." She said with such sincerity.

Lalo naman akong nabigla. Why is she saying sorry?

Nanatili lamang akong hindi nagsasalita dahil sa totoo lang, I don't know who to trust anymore aside from my friends that are now risking their lives for me.

"Hindi ko alam na kaya itong gawin ni Cole. He was kind, gentle, and merciful, but after the death of his brother, nagbago siyang bigla," she continued.

I didn't respond. Walang lumalabas sa bibig ko. All I know is that, si Supremo ang tinutukoy niya. That somehow, this woman is connected to him.

"Napuno ng paghihiganti ang puso niya, napuno ng sakit, napuno ng dilim, but if only.." nagulat ako ng biglang mayroong pumatak na luha sa mata ng babae.

"If only you guys knew what he had been through, you'll understand. Maiintindihan niyo siya kung bakit niya nagagawa 'to." sabi ng babae at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata.

Kumuyom naman ang kamao ko, hindi ko alam kung bakit nagliyab muli ang galit sa puso ko matapos ko siyang marinig. Maybe because she's being one sided? Base sa pananalita niya, alam niya ang kasamaang ginagawa ng Supremo at mga tauhan nito sa mga taong napupunta sa Glitch. It's pure evil and madness.

"W- Who are you?" bigkas ko ng buong lakas. Hindi naman siya agad na sumagot. It took her a minute to answer.

"I'm Shaine, I'm Cole's girlfriend."

At dahil sa sinabi niyang yo'n, lalo akong nabigla. Girlfriend? She's Supremo's girlfriend?

Nagkatitigan lang kami ni Shaine at walang nagsalita matapos ng sinabi niya. I am so shocked. Hindi ko alam na mayroon palang girlfriend si Supremo, pero bakit ang halay parin ng isip niya? Some told me that he raped women, that he is disgusting, muntik na niyang magawa yo'n sa'kin.

Don't tell me na hindi yun alam ni Shaine?

Naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. She's right, hinihigop nga ng kadenang ito ang lakas ko. Dahan dahan akong napaupo dahil doon.

"You have to eat this, para kahit papaano ay bumalik ang lakas mo."

Napatingin naman ako kay Shaine. Kinuha niya ang pagkain at naglakad papalapit sa akin. Hindi ko naman na magawang umatras pa. I still don't trust her.

Lumuhod ito sa harapan ko at inilapag ang pagkain. Mayroong gatas at tinapay. Pagkalapad ni Shaine ng pagkain ay naupo ito sa harapan ko. Ramdam ko ang pag iingat sa galaw niya. Mukha siyang mabait, but I can't just let my guard down, especially that I am still here, inside the Glitch.

"You must be Rory Deneen." utas niya. Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

"I don't remember telling you my n- name." I answered.

"I need you to help me, Rory." seryoso naman niyang tugon. Ang kaninang mata niyang mapungay at nagseryoso.

Napalunok ako.

"Why would I do that?"

"Kasi ako lang ang makakatulong sa'yo para makaalis dito at matulungan ang mga kaibigan mo."

Sa mga nabanggit niyang iyon, naalala ko ang posisyon ko. I'm helpless right now, nakakadena, sigurado rin ako na kahit sumigaw ako ay walang makakarinig dahil sa malalakas na pagsabog, isa pa, I don't know kung saang part ito ng Glitch, and my magic is being sucked up.

Hindi ako nagsalita at mukhang naintindihan niya ang meaning no'n.

"I will help you escape, Rory, but please, don't hurt Cole,"

Sa mga unang salita pa lang na sinabi niya, gusto ko na agad na hindi sumang ayon, but somehow, her eyes speaks something else.... and at this point, I just feel that it is worth listening to.

"I'll trust you with Cole's past, handa akong ipaalam sa'yo ang lahat. Just please, open your mind."

After that, iniangat niya ang kanyang kamay at ipinatong ito sa aking ulo. Pumikit siya at unti unti akong nakaramdam ng hilo na para bang naglalakbay ako ng sobrang bilis.

"I'll let you see it, please, Rory Deneen, save Cole. Save my boyfriend."

---

Author: Hey! Finally recovered this account, yey! God is gooood! Let's connect, add me on facebook! Link on my profile!

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now