Chapter Twenty Two

2.8K 99 6
                                    

Bond

Nasa kwarto kami ngayon ni Scarlett. Kakabalik lang namin galing sa pribadong meeting. After ng fiest kanina sa Main Hall ay ipinatawag ang mga Team Masters at ako. Noong una ay nagulat ako, pero ipinaliwanag naman nila ang dahilan.

Magkakaroon ng isa pang salu salo mamaya kasama ang mga visitors ng Mercury University. Pili lamang ang mga dadalo sa maliit na piging. Nasama lamang ako dahil narin nagpapasalamat sila na natulungan ko ang mga Team Masters noong mayroon silang Mission.

“He's intimidating.” saad ni Scarlett habang inaayos ang ipit niya. Napaupo naman ako sa kama niya. Kanina pa namin pinag-uusapan yung pinakabatang bisita namin na sinasabing pinakamalakas na Healer.

“Well, he should be. He's so powerful and talented. Sana makausap ko siya mamaya.” sabi naman ni Lily na tinutulungan si Scarlett na mag-ayos ng sarili.

Tinignan ko si Scarlett na mukhang kinakabahan at hindi maipinta ang mukha. Nasabi niya sa'min na kakausapin siya ni Yuan at nakikipagkita ito sa kanya. Naikwento narin ni Scarlett na totoo ngang hindi siya pinapansin ni Yuan nitong mga nakaraang araw. Pero may dahilan naman daw ito, at iyon ang pag-uusapan nila ngayon.

Ngumisi ako, “Maganda ka na, Scarlett. Baka kapag nag-ayos ka pa, pagbalik mo rito tita na kami ni Lily!”

“What the?” bigla akong binato ni Scarlett ng suklay na hawak niya. Natawa lang naman si Lily. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil halata ang pamumula ng pisngi ni Scarlett dahil sa pang-aasar ko.

“Tama na, Scarlett.” saad ni Lily ng muntik pa sa'king lumapit si Scarlett. Alam ko namang nagkukunwari lang itong naiinis pero sa totoo ay gusto rin niya ang sinasabi ko at kinikilig siya. Everytime she'll see Yuan, I can see her eyes twinkling. Para siyang batang nabigyan ng bago at gusto nitong laruan tuwing nakikita at nakakasama niya si Yuan.

Maybe that's what you call Love. Yung admiration ay visible at makikita mo talaga sa kisap ng mata.

“Kung anu ano kasing iniisip ni Rory!” saad ni Scarlett. Natawa naman kami ni Lily dahil halata sa boses ni Scarlett na kinikilig ito. Napailing iling na lang ako at si Lily naman ay dinaluhan ako sa kama. Tumayo si Scarlett at humarap sa amin. Inayos niya pa ang kanyang damit at halata ang kaba at tensyon sa kanyang itsura.

Scarlett is beautiful, no doubt.

“O– Okay lang ba?” tanong niya.

“Look, the Team Master of Warriors is stuttering!” pang-aasar kong muli. Hinampas naman ako ng mahina ni Lily at tumawa ito. Muli naming binalingan si Scarlett.

“Maganda ka na, Scarlett. Go on! Punta ka na sa date mo!” sagot ni Lily. Bumuntog hininga muna ito bago siya nagpaalam sa amin at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Pagkasarado niya ng pinto ay napahiga ako sa higaan. Napapikit ako ng marahan dahil naramdaman ko na naman ang kirot sa batok ko.

This is really odd. Paminsan minsan ay sumasakit ito pero nawawala rin agad, minsan naman ay okay, minsan hindi. The pain is bearable, but still.

“R– Rory.” napatingin ako kay Lily na ngayon ay nakatingin na pala sa'kin. Napakunot ang noo ko ng makita na may halong pag-aalala sa mga titig nito.

Pakiramdam ko may kanina pa siyang gustong sabihin sa'kin kaso hindi niya lang magawa dahil kanina pa namin kasama si Scarlett.

“Bakit? Are you okay?” I asked. Bumuntong hining ito. Hindi ako sanay na ganito si Lily, yung puno siya ng pag-aalala sa mga mata niya. She is always the jolly type. Pero marahil narin natatakot ito sa pwedeng sabihin ni Mia kay Team Master Zean.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now