Chapter Three

19.6K 549 36
                                    

Secret

Nakaupo kami ngayon sa isang bench, para akong wala sa sarili habang nakatingin sa librong hawak ko pero at the same time tinatap ang libro gamit ang mga daliri ko na lumilikha ng tunog.

Kanina pa ako walang imik pagkatapos nang mga narinig ko sa lalaking nasa Book Store kanina. Para akong naguguluhan pero at the same time paunti unting nabubuo.

"Rory, may hindi kaba sinasabi sa'kin?" sabi ni Geo ng may halong pag-aalala. Napalingon naman ako kay Geo, nakita ko ang mga mata niya na mukhang nag-aalala na sa mga ikinikilos ko.

"Wala. N-namimiss ko lang si lolo." Sabi ko tsaka iniwas ang tingin ko sa kanya.

Hindi pa siguro ngayon Geo, kailangan ko munang alamin ang totoo. Kailangan ko munang malaman kung ano ba ang koneksyon ko sa kwintas at sa Necklaces of Death.

"Kilala kita Rory. Akala ko ba walang lihiman? Diba mag bestfriend tayo?" sabi niya sa nangongonsensya at nalulungkot na tono. Sa tagal naming magkasama at magkakilala ni Geo, kilalang kilala na namin ang isa't isa. Tanggao namin ang kamalian at ang mga kalakasan namin. It's really good to have someone you can rely on.

Tumingin naman ako sakanya at ngumiti.

"Geo, wala akong tinatago. Miss ko lang talaga ang bayan natin at si Lolo." Yan ang totoo Geo, wala akong tinatago. Wala PA. At kung malamam ko man ang totoo, siguro nga tama si Lolo na dapat walang makaalam. Masama ang kutob ko sa katotohanan. Kaya siguro palagi akong pinapaalalahanan ni Lolo Enn tungkol sa abilidad kong ito. I know it's not normal.

"Okay Rory, I believe you. Pero kapag may gumugulo sa isip mo, wag kang mahihiyang sabihin sakin. Kakampi mo ako Rory." sabi niya sabay hawak sa buhok ko at pinaglaruan ang mga ito.  Siguro okay narin na hindi mo muna alam Geo, hayaan mo muna ako. Pinagmasdan ko ang mukha ni Geo na tila tuwang tuwa habang pinaglalaruan ang buhok ko. Lagi siyang Ganyan, paglalaruan niya ang buhok ko tuwing wala siyang magawa at hindi ko ba alam pero parang ang saya-saya niya. Nakangiti pa ito habang hawak hawak ang buhok ko.

Naisipan ko naman siyang biruin para kahit papaano'y mawala kahit sandali ang mga gumugulo sa isipan ko.

"Geo, bakla ka ba? Bakit gustong gusto mo ang buhok ko?" sabi ko habang nasa pang-aasar na tono. Napatingin naman siya sakin at napakunot ang noo niya.

"Baliw ka talaga. Hindi po ako bakla, ang gwapo gwapo ko tapos bakla?" Sagot niya. Heto na naman tayo, sobrang lakas na naman ng hangin.

"Ang yabang mo talaga. Akala mo ba talaga gwapo ka?" sabi ko sakanya tsaka hinampas ng mahina ang mukha niya. Natawa naman siya.

"Bakit, hindi ba?" sabay lapit niya nang mukha niya sa mukha ko. Halos ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko.

Magkatinginan lang kami, nakikita ko ang kisap sa mga mata niya, ang halos patusok niyang ilong, ang ganda ng mga labi niya. Hindi nga maipagkakaila na gwapo si Geo, pero hindi ko 'yon aaminin sa kanya dahil lalo lang siyang magyayabang.

"Hindi ka gwapo 'no." sagot ko sa kanya na medyo natatawa tawa pa. Naramdaman ko naman na hindi siya sumabay sa tawa ko kaya tinignan ko siya. Seryosong seryoso ang mukha niya.

"Gusto ko kasing hinahawakan ang buhok mo. Sobrang ganda kasi, parang ikaw." napahinto naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng mata sa mata. Nakaramdam ako ng kakaiba kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

The Demigoddess' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon