Chapter Twenty Three

2.8K 88 7
                                    

Secret Town

Gabi na ng matapos ang salu salo. Kanina ay kinausap ako ng ibang estudyante at nagtanong sila kung paano ko raw natalo ang dragon sa Limpid Lake. Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko dahil bigla lang naman 'yong umalis, pero nagdahilan na lang ako ng kung anu ano. Si Lily naman ay kinausap ng kinausap si Ran.

The amazing thing about Ran is, he knows how to respect the elderly. Kahit pa makapangyarihan siya keysa sa iba, basta mas matanda ka ay irerespeto ka niya. He's a good boy.

“Rory!” napalingon ako sa papalapit na si Lily. Malaki ang ngiti nito at nakasunod sa kanya si Ran.

"Hmm?" tanong ko. Hinatak naman ni Lily si Ran papalapit sa akin. Nagulat ako dahil mukhang close na sila at hindi na siya nahihiya kay Ran. Samantalang kanina ay kabang kaba ito na kausapin si Ran.

"May sasabihin daw sa'yo si Ran!" masayang tugon ni Lily. Tinignan ko naman si Ran. Ang magulo niyang buhok ay pinapaalala sa'kin si Team Master Zean. Hindi ko na kasi ito makita ngayong tapos na ang salu salo, siguro ay nagpa-plano na sila ni Mia na umalis.

“Bakit, Ran?” I asked. Nakita ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Ran sa akin. Napangisi naman si Lily.

Nagulat ako ng inilahad ni Ran ang kanyang kamay, “Can we be friends, Ate?” tanong nito na mas ikinabigla ko.

Tinitigan ko lang ang kamay niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko. I cleared my throat, “O–Oo naman.” sagot ko at kinuha ang kamay niya. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya.

Nagkwentuhan pa kami nila Lily ng ilan pang minuto, nagpaturo si Lily ng iilang mahika na alam ni Ran at malugod naman siyang tinuruaan ni Ran. Parang bata si Lily sa tuwa at galak dahil nakaalam siya ng mga advance magics dahil kay Ran. And I can see na masaya rin si Ran. He is really a kind boy. Pinalaki siyang mabuting bata ng mga magulang niya.

"I hope to meet your Mom soon, Ran." sabi ko. Ngumiti naman si Ran sa akin.

"You can always visit me, Ate. Matutuwa rin si Mom na makita ka." sagot naman niya. Maya maya pa ay tinawag na si Ran upang makabalik na sila.

Lumabas kami ng Mercury University para ihatid ang mga bisita. Napagpasyahan na sa susunod na taon ay bibisita naman ang lahat sa Venus University. Sabi nila'y isang malaking oportunidad iyon para sa mga eskwelahan sa buong Magic World. Nagpaalam na ang mga bisita. Halos magdilim na ang langit ng tuluyan silang makaalis.

~

Maliwanag na Secret Town ang bumungad sa amin ni Lily ng ibinaba kami ng sasakyan sa maliit na bayan. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang sasakyan pero mukhang hindi ito galing sa Mercury University. Marahil ay ito rin ang ginagamit niya kapag tumatakas siya sa University. Mayroong nagmamaneho rito na kakilala ni Lily pero hindi ito nagsasalita noong nasa byahe kami.

“Where they can possibly be?” sabi ni Lily at nilinga linga ang buong paligid. Medyo nahuli kasi kami ng pagsunod ni Lily dahil medyo nahirapan kaming tumakas. Kung wala siguro ako ay madadalian si Lily dahil sanay na sa pagtakas, pero dahil sa'kin ay bumagal kami.

It's already pass midnight. Alanganin na ang oras ng makarating kami. Mayroon lamang kaming limang oras para makabalik at hindi mahalata na nawala kami. Ayaw naming mag-alala si Scarlett at sumunod pa rito kung saka sakali.

“Hindi mo ba narinig kung saan sila pupunta?” tanong ko sa kanya. Hinatak naman niya ako upang makalibot pa kami sa paligid.

Nakakamangha na kahit ang lalim na ng gabi ay ang liwanag parin dito sa Secret Town, buhay na buhay ang paligid kahit kakaunti na lamang ang tao.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now