Chapter Forty Three

979 38 3
                                    

Plan

[Rory's POV]

Clio and I had an idea kung paano makakapunta sa main gate ng hindi nahahalata ng ibang tauhan ni Supremo. It took time to convinced him na puntahan ang mga kaibigan ko dahil noong una ay ayaw niya dahil delikado at mukhang mas mapapaaga ang pag aaklas dahil sa iba't ibang sirkumstansyang namumuo.

"I need you to wear this, Rory." saad ni Clio. Tinignan ko naman ang isang tela na iniabot niya bago ito kinuha.

"Suotin mo 'yan upang hindi ka makilala. They are still searching for you. I overheard the other guards that Supremo told them to find you at all cost." dagdag pa niya. Tumungo ako at agad na sinuot ang tela sa aking ilong at tinakpan nito ang ibabang bahagi ng aking mukha.

Nakasuot ako ngayon ng kagaya sa mga tauhan ni Supremo. Ito ang naging plano namin, that I must blend with them so that they wouldn't notice me. Inipit ko rin ang aking buhok at nagsuot ng balabal upang hindi mahalata na babae ako.

Lumabas na kami ni Clio. Sinubukan naming hindi makita ng kahit na sino dahil alam naming hindi papayag ang Pinuno sa gagawin namin. Lingid din sa kaalaman ng lahat, malalapit sa akin ang mga taong dumating. Who knows, right? Kung nandoon si Scarlett, maaaring kasama niya si Lily, and I know her, Lily's too soft and the Glitch, it'll bring her nightmares.

"Rory!" agad naman akong hinatak ni Clio. Bumilis bigla ang takbo ng dibdib ko. Nagkatinginan kami at sinenyasan niya ako.

I nodded. Mayroong mga tauhan ni Supremo na dumaan. Nanatili pa kami ni Clio na nakatago sa loob ng ilang segundo, bago namin muling tinahak ang daan. Ngayon ko lamang ito nakita dahil wala akong malay noong dinala ako ni Clio sa hideout nila.

Napahinto ako ng may makitang likidong dahan dahang bumabagsak sa pader patungong sahig. Linapitan ko ito at hinawakan. It's blood, and it's fresh.

My hand trembled. Parang may kung anong pumasok sa loob ko and it felt, good.

"Rory, come on!" saad ni Clio. Napalunok naman ako at sinundan na siyang muli sa paglalakad.

Ang daan na dinaraanan namin ay matarik. Thinking that there's a place like this? Hindi ako makapaniwala. The place stinks as well, amoy na amoy ang pinaghalong aroma ng mga nabubulok na bagay, o katawan. Medyo madilim ang aming tinatahak kaya medyo binabagalan ko ang lakad.

Clio, on the other hand, seems like he had alrealy memorized this place. I didn't saw him flinched even a bit ng dahil sa amoy or matalisod sa mga nakausling bato.

I fasten my pace upang makasabay ko siya sa paglalakad. I looked at him and he look so serious. Hindi ko maintindihan ngunit halata ko ang kaba sa kanyang aura, but I'm pretty sure na hindi niya 'yon pinapahalata. I know he's tense, I can see it in my eyes. Am I asking him too much? I mean, he saved me from Supremo, and naaalala niya sa'kin ang yumao niyang kapamilya, and now, I am asking him to risk his life just because I wanted to see my friends?

Am I being selfish?

I clenched my fist at huminto sa paglalakad. Naramdaman niya 'yon kaya't huminto rin siya. Tumingin siya sa'kin.

"What's wron-"

"Thank you, Clio." saad ko.

He looked shocked at first, pero dahan dahang kumurba ang kanyang labi patungo sa isang ngiti. I saw his eyes twinkled. Humarap siya sa akin at dahan dahang inialok ang kanyang kamay.

Tinignan ko iyon at inabot.

"You don't have to thank me, but promise me one thing," sagot niya. Dahan dahan siyang lumapit sa'kin and I was stunned when his hands touched my neck, at unti unti niyang inilabas ang kwintas na pilit kong itinatago.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now