Chapter Thirty Nine

2.3K 72 13
                                    

Bloodshed II

Ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ng lahat ng tao na nandirito. Pagkalabas ko sa mahabang daanan na halos ang buong paligid ay nagkalat na buto, umakyat kami sa isang batong hagdanan at iniluwa ng isang malaki at lumang kahoy na pintuan.

Their eyes are on me. I feel their stares. Para ba akong isang pusa sa pugad ng mga aso. Their stares would make you feel that you don't belong. Nanatili ang titig ko sa paanan habang nakasunod ako sa lalaki. I was shocked to learn that there are many of them in here. Ganito karami ang may galit sa Supremo?

Ni ayokong isipin pero mukhang maraming naging biktima si Supremo at ginamit ang kanyang posisyon upang matakasan ang mga kasalanan niya. He can do what he want, after all. For the people outside Glitch, sa mga hindi nakakaalam sa mga kasamaan niya, para sa kanila ay si Supremo ang mukha ng hustisya.

Kumalabog ang puso ko ng biglang umalis sa harapan ko ang lalaki.

"Crio."

Napatingin agad ako sa lalaking nagsalita. His eyes are deep and white hairs are evident. Matikas siya at hindi gaanong matangos ang ilong. Mayroon din siyang mapulang labi at mayroon siyang maputing balat. Napatingin ito sa lalaking sinusundan ko na tinawag niyang Crio.

Mayroon itong nakakakilabot na ngiti sa kanyang labi. He smile like he won, like he already won the war. That the bloodshed would be that from Supremo's and not them. But why?

~

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko ng makita ang unti unting pagkawala ng lason na kumakain sa sistema ni Zean. His body is getting normal. Hindi na ito halos nangingitim at bumabakat ang mga ugat. Hinawakan ko ang kanyang pulso at nagiging normal na ang tibpo nito. Napatakip ako ng bibig upang matigil sa paghikbi dahil gusto kong maiyak ng sobra sa tuwa.

Zean is safe! Zean is cured!

"You did well, Ate Lily." napatingin ako sa nakangiting mukha ni Ran. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nandirito siya at tumulong na gamutin si Zean. Nagulat na lamang kami na sa kalagitnaan ng unti unting pagkatalo namin sa lason sa katawan ni Zean ay dumating siya at mabilis kaming dinaluhan.

He cured Zean. Hindi namin alam kung paano niya ginawa pero nagawa niya. Maski ang panlunas ay hindi naging sapat. Si Ran mismo ang naginng dahilan kung bakit nagiging maayos na ang kalagayan ni Zean ngayon.

I don't care how he did it. I'm just thankful. So thankful to him that he saved my friend.

Ngumiti ako at tsaka pinunasan ang luha sa aking mga mata. "S-Salamat dahil niligtas mo si Z- Zean, Ran." saad ko. Muling tumulo ang aking luha dahil sa muling pagkagalak.

Naramdaman ko ang mainit at malambot na kamay ng batang si Ran na dumapo sa aking mata pababa ng pisngi. Pinupunasan ang mga takas na luha na lumalandas sa aking pisngi.

"I owe him one, Ate Lily." saad niya.

Matapos no'n ay niyakap ko siya ng mahigpit. Narinig ko ang marahan niyang pagtawa dahil sa ginawa ko. Alam kong para akong bata ngayon pero wala na akonh pakielam. Sobrang saya ko lamang dahil maayos at ligtas ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

Kung hindi dumating si Ran, baka ngayon ay hindi ko na alam ang aking gagawin. I am strong but still, it's never enough to save someone I love. Isang beses ko ng nabigo ang sarili ko dahil sa mahina kong kapangyarihan, muntik ng maging dalawa ngayon kung hindi dumating si Ran para iligtas si Zean.

My Mom died because of me. And my Dad blamed me for what happened. I was young and weak, back then. Noong araw na umuwi ang aking ina na hinang hina, wala akong nagawa kundi ang daluhan siya at umiyak. I was left alone that time at walang ibang tao sa lugar maliban sa akin at Mama. My Dad was on the University doing something. Maski ang mga tagatulong sa aming bahay ay wala noon.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now