Chapter Twenty Four

2.8K 89 4
                                    

Changes

It has been a week since we visited the Secret Town. Hindi narin ako umiimik matapos ang mga nangyari, gano'n din si Lily. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero kapag may pagkakataon, hindi niya itinutuloy. Ngingiti lang siya at aayain akong maglibot sa Mercury University.

Kumakain ako ngayon ng Dinner sa Main Hall. Paminsan ay napapasulyap ako kay Mia at Team Master Zean. Kung hindi ko lang alam na nagkasagutan sila noong nasa Secret Town kami, iisipin ko na walang nangyari at normal ang lahat. Patuloy parin sa pangungulit si Mia kay Team Master Zean, samantalang si Team Master naman ay hindi siya halos pinapansin.

I still can't understand myself. Kahit si Lily ay hindi na nagawang magtanong kung bakit ako umiyak noong araw na 'yon, maski ako ay ayaw ng isipin ang nangyari dahil kapag naiisip ko, pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko.

“Have you heard the news?” napatingin ako kay David. Kumunot lamang ang noo ko bilang tugon sa kanya.

“I'm guessing you don't. So here it is, bali balita ngayon na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa Mercury University.” pabulong na sabi ni David. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya.

“Ha? Anong klasing pagbabago?”

“I don't know yet, pero malaki ang magiging epekto sa mga estudyante.”

“Saan mo naman narinig—”

“David.” natahimik kaming bigla ng magsalita si Team Master Zean. Nanindig ang balahibo ko ng makita siyang diretso ang tingin kay David at mayroong matatalim na mga titig.

“P– Po?” sagot ni David na halatang nagulat din sa pagtawag sa kanya ni Team Master Zean.

Nagtama ang paningin namin ni Team Master Zean sandali bago niya tinignang muli si David, “Thirty minutes at the Den.” saad nito.

“Y– Yes, Team Master.” sagot ni David na nanginginig ang boses. Napatingin ako kay David at nilakihan ko siya ng mata hudyat na tinatanong ko kung anong meron, pero umiling lamang siya at kumain ng muli.

Napapaisio tuloy ako kung ano bang meron. Magkakaroon ng ibang pagbabago? Pero anong mga pagbabago?

~

Halos malaglag ang panga ko ng malaman na magkakaroon ng inspection at renovation ang kwarto ng mga babae.

“What the hell?” utas ni Scarlett. Halos lahat naman talaga kami ay hindi makapaniwala. Ngayon ay nakalabas na ang lahat ng gamit namin at nakatayo kami sa isang malaking lugar sa loob ng Mercury University.

“This is insane.” hindi ring makapaniwalang tugon ni Lily.

Mas lalo namang lumakas ang bulung bulungan ng may tumayong babae sa pinakaharapan na agad nakakuha ng pansin ng lahat. Malapad ang naging ngiti niya.

“Okay, everyone. I know that all of you are probably confused, but do not worry, this won't take long," panimula niya. Mas tumiim naman ang titig niya.

"We just received a notice that there has been a spy inside the University. Sabi nila, she's a girl. And because we can not conclude yet, iimbistigahan ang mga kwarto ng mga babae at ire- renovate para makasigurado," bigla namang halos umingay ang paligid. Kumunot ang noo namin nila Scarlett dahil sa narinig.

“Spy? What spy?” tanong ni Scarlett sa babae.

“We can not tell you, Miss Maldives. It's confidential. Besides, it isn't proven yet.” sagot ng babae. Tumungo lang naman si Scarlett.

“So to all girls, if you know who is the spy, if there's really one, don't hesitate to tell us. But for now, ililipat muna namin kayo sa isang facility na malapit sa Mercury University for some investigations. Probably for two to three days.” sunod sunod namang tungo ang naging tugon namin.

The Demigoddess' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon