Chapter Twenty Seven

2.6K 80 6
                                    

Accused

Tahimik lang ang naging byahe namin pabalik sa Mercury University. I can feel that there's something they're hiding. Ang lalo ko pang ipinagtataka, ang madalas na pagsulyap sa'kin ni Team Master Zean na may halong awa sa kanyang mga mata.

What's happening, really?

Napatingin ako sa halos magkulay orange na langit. Totoo nga na dalawang araw akong nawala. Sabi nila Lily at Scarlett, naisumbong na nila ang bulaklak sa Garden, pero matapos no'n ay hindi na raw nila ako nakita. Sinubukan daw nila akong hanapin ngunit pinigilan sila ng ibang Council Members dahil sa isang bagay na malalaman ko raw kapag bumalik na ako sa University.

"Nandito na tayo." saad ni Scarlett. Kumalabog naman ng malakas ang aking dibdib. Hindi ako mapalagay sa mga tingin nila.

Pagkapasok namin ng malaking pintuan ng Mercury University, natahimik bigla ang paligid. Ang kaninang maingay na lugar at nagtatawanang mga estudyante ay biglang natahimik.

Nagulat ako ng bigla akong hinawakan sa braso ni Team Master Zean. Napatingin ako sa kanya at lalo akong nagulat ng makitang matalim ang tingin niya sa mga estudyante.

Hindi rin naman ako bulag para hindi mapansin ang matatalim na tingin ng estudyante sa akin. Ang iba ay bumubulong pa. Pero isang tao lang talaga ang lalong nakapagpakunot ang noo ko, 'yon ay si Mia. May kasama siya ngayong tatlong babae at lahat sila ay nakatingin sa'kin.

She even winked at me. Nanaas ang balahibo ko dahil sa nakakalokong ngiti na ipinakita niya sa'kin.

"Let's go." napatingin akong muli kay Team Master Zean na mabilis akong hinatak papalayo sa mga estudyante.

"P- Pero-" mas binilisan pa ni Team Master Zean ang paglalakad.

Nilingon ko naman ang likuran ko at nakita lamang na nakasunod si Lily at Scarlett. I tried to ask Lily pero iniiwas nito ang tingin niya sa'kin. Si Scarlett naman ay nakatitig lang sa pagkakahawak sa'kin ni Team Master Zean sa braso. Para bang may kung ano siyang kinukumpirma sa hawak sa akin ni Team Master.

Nabalik ako sa reyalidad ng bigla kaming huminto ni Team Master Zean sa tapat ng isang kwarto.

Agad niya akong hinarap. Nanlambot ang tuhod ko ng magtama ang mga mata namin.

His eyes are deep. So deep.

"Listen to me." saad niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan pa ako ng matiim.

Wala sa wisyo lamang akong napatungo bilang tugon. His eyes are begging. Para silang matang maaamo kahit ang lalim lalim.

"Tell them the truth and nothing but the truth." saad niya.

"A- Ano pong ibig niyong sabihin?" I asked. Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Lily at Scarlett kaya nilingon ko sila.

Lily's eyes are teary. "Be brave, Rory."

Marahan namang hinaplos ni Scarlett ang aking buhok na lalong nagbigay ng maraming tanong sa aking isip.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganito. Wala rin naman silang sinasabi sa'kin. Ang alam ko lang ay may mali, pero alam kong malala 'yon dahil kung hindi ay hindi naman sila aakto ng ganito. Scarlett is a brave woman, so seeing her eyes are getting teary too is a thing. It's given na iyakin si Lily pero ngayon ay halatang nagsusumamo ito.

Nabaling bigla ang tingin ni Scarlett kay Rory. Mahina siyang ngumiti, "Take care of her." saad niya.

Tumungo lamang si Team Master Zean. Muli akong hinarap ni Scarlett. Kumunot lang naman ang noo ko. Habang tumatagal kami sa ganitong senaryo ay pakiramdam ko may namunuong takot sa akinng sistema. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now