Chapter Seven

14.9K 450 14
                                    

The Truth

Nasa kwarto na ako ngayon, mga alasingko na kami nakauwi ni Geo dahil hinintay pa namin ang paglitaw ng araw. Sobrang ganda nito.

Kamusta na kaya si Lily? Pimapagalitan na kaya siya ngayon?

Makulit din naman talaga kasi si Lily, parehas na parehas sila ni Geo na maraming alam na kalokohan. Bahagya akong napangiti sa mga naiisip ko pero agad din itong napawi ng nakaramdam na naman ako na gusto kong manakit. Ilang araw ko ng pinag-iisipan ang dapat kong gawin sa mga ganitong pagkakataon, I'll cut my self.

Hindi ko sinasabi kahit kanino ang ginagawa ko. Kanina ay bumili ako ng isang blade. Nakapuslit ako at hindi 'yon napansin ni Geo. Dahan dahan ko itong idiniin sa pulsuhan ko. I can feel pain whenever it gets deep. Pero ngayon, hindi 'yon mahalaga. Naghihilom din naman agad sila, so I don't really bother.

Kita ko ang pagtulo ng dugo sa pulsuhan ko. So, this helps. Medyo nawawala ang eager kong manakit ng iba.

"Bukas ng gabi magkita tayo sa pinakamalaking puno sa burol."

Napasinghap ako ng maalala ko ang boses. Para itong nage- echo sa buong utak ko. Paulit ulit mula pa kanina. Hindi ko magawang balewalain dahil para ako nitong inaakit.

Calm down, Rory. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. I inhaled and exhaled. Tinignan ko ang sugat ko sa pulso at halos mawala na ito. The thing sometimes is, I wanna feel pain. Nakararamdam ako no'n pero sandali lamang. Gustuhin ko mang patagalin, ang balat at katawan ko na mismo ang gumagawa ng paraan para maghilom agad ang mga sugat.

Pinunasan ko agad ang mga tulo ng dugo sa sahig at itinapon na sa basurahan ang ginamit ko.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita ko ang kwintas sa ibabaw ng cabinet malapit sa salamin. Napakunot bigla ang noo ko dahil sa pagkagulat.

Ang alam ko sa loob ng cabinet ko yun tinago ha? May nangielam ba sa gamit ko?

Dahan dahan naman akong lumapit sa cabinet at unti-unting binuksan ito para makita ang mga gamit ko pero maayos ang mga ito. Nangatog naman bigla ang buong katawan 'ko. May pumasok ba sa kwarto ko? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ito papasukin ng mga trabahador dito hanggat hindi sila tinatawag o binibigyan ng permiso ng kliyente nila.

Naramdaman ko na naman bigla ang pag-init ng katawan ko. Tuwing nalalapit ako sa kwintas, nauulit na naman ang nararamdaman kong may gustong kumawala sa akin at ang paninigas ng laman ko. Nakakaramdam na naman ako ng kagustuhang manakit.

"Damn it!" singhal ko dahil parang hindi ako makagalaw at nakatitig lang sa kwintas. Umiilaw ito ng pula. Sinusubukan kong ilayo ang sarili ko pero hindi ako sinusunod ng katawan ko. The more I think about it, the more I get tempted.

Sinubukan kong humakbang papalayo pero bigla kong naalala ang boses na narinig ko. I think I need to see him.

Pero alam kong kailangan kong dalhin ang kwintas kung saan man ang boses, kailangan ko siyang dalhin mamayang gabi sa burol, isasauli ko na ito dahil nilalamon ako nito ng buo. At hindi ko ito maipaliwanag.

Tuluyan na akong lumayo sa kwintas at napaluhod ako sa kama. Shit, why am I so tired? Nararamdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko at ng kamay ko. Napapikit ako ng nariin dahil nahihilo ang paningin ko. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa kaibaturan ko na hindi ko maipaliwanag, pero nagpapasalamat ako ro'n dahil inihele ako no'n hanggang sa makatulog ako ng tuluyan.

~

Halos buong araw na kaming palakad lakad ni Geo sa Secret Town. Halos palubog narin ang araw dahil sa paglilibot namin. Gusto naming maging pamilyarisado sa lugar na 'to.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now