Chapter Forty Seven

1.5K 40 13
                                    

War - II

Ang sunod sunod na pagsabog sa Glitch ay naging dahilan ng pagkawala ng kahit na anong liwanag. Tumumba kaming lahat. Naramdam ko ang malakas na hampas ng aking katawan sa sahig.

Sigawan at pangamba ang bumalot sa lahat. Alam kong nagsisimula na ang pag aaklas nila Clio.

"Rory!" hiyaw ni Geo at naramdaman ko ang mahigpit na kapit niya sa aking beywang. Bigla na lamang yumanig ang buong paligid. Naramdaman ko ang paggalaw ng sahig na dinadantayan namin.

Sobrang dilim. Ang tanging nagsisilbing ilaw lamang namin ay ang maliit na siwang sa malaking pintuan. Malalakas na pagbagsak ng kung anong parte ng pader ang umalingawngaw sa paligid.

"Arhg! Shit!" angal ni Geo. Agad kong kinapa ang kanyang mukha.

"G- Geo? B-Bakit? Anong nangyari?" tanong ko ng may puno ng pag aalala. Naramdaman ko ang mabibigat niyang paghinga. Ang mahina niyang daing ay pinipigil niya.

"M- May tumama lang. U- Umalis na tayo rito." saad nito at inalalayan akong tumayo. Nang makatayo kami ay pamuntikan na naman kaming tumuba dahil sa pagyanig. Nakaramdam ako ng maliliit na pagtama ng semento sa aking mga binti. Agad kong kinapa ang aking hita. Wala na itong sugat, pati na ang aking braso na sinaksak ni Manuel.

Naghilom na agad ang mga ito.

Nagulat ako ng binuhat ako ni Geo. Ang kanyang dalawang kamay ay nakaalalay sa aking likod at binti. Mabilis kong ipinalupot ang aking mga braso sa kanyang leeg.

Naramdaman ko ang matindi niyang paghinga. Alam kong pagod ito at sigurado ako na mayroon paring kaunting mahika si Supremo na natira sa kanya.

"Kailangan natin mahanap sila Scarlett." bulong nito bago ko naramdaman ang malakas na hangin. Geo's running.

Lalo kong hinigpitan ang kapit ko kay Geo dahil sa sunod sunod na pagsabog na narinig ko. Pati ang hiyawan ay rinig dahil sa sobrang lakas nito. Sigurado ako na nagsisimula na ang pag aaklas nila Clio.

Naririnig ko ang pagpigil ni Geo sa mga daing niya, marahil ay para hindi ako mag alala. Natatamaan din ako sa iba't ibang parte ng katawan ko ng tipak ng mga bato at kung ano pa ang bumabagsak.

"Scarlett!" rinig kong sigaw ni Yuan. Agad naman nagbago ang direksyon ni Geo at sinundan nito ang tinig.

Huminto siya bigla at naramdaman ko ang isa pang prisensya sa aking tabi. Hingal na hingal ito.

"S- Si Scarlett, h- hahanapoin ko siya." saad niya. Nagulat ako ng unti unti akong ibinaba ni Geo. Kahit hindi ko siya nakikita ay naramdaman ko ang pagod sa kanyang mga mukha.

Hindi 'yon nakapagtataka. He's been through a lot. Galing pa siyang Mercury University at sigurado ako na may mga nadatnan silang problema bago makapasok sa loob ng Glitch.

"Dito lang kayo. Ako na ang hahanap kila Scarlett at Ran." saad nito sa pagitan ng kanyang paghinga.

"Tutulong ako, Geo. H- Hindi ko pwedeng pabayaa-- arhg!" saad ni Yuan. Nanlaki naman ang mata ko. Dahan dahan kong kinapa ang kanuang balikat pababa sa braso. Doon ko naman naramdaman ang isang malagkit na likido.

"M- May tama ka, Yuan." utas ko. Muli na naman siyang napadaing.

Ngayon ko lang talaga nakasama si Yuan dahil pero kwento lamang nila Scarlett ang naririnig ko. Alam kong sobrang importante ni Yuan para kay Scarlett, at gano'n din si Scarlett para sa kanya.

"Tama si Rory, Yuan. A- Ako na ang bahala. Hahanapin ko sila, pangako. Babalikan ko kayo." saad nito at mauroong malakas na hangin na lamang kaming naramdaman.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now