Chapter Twenty Five

2.8K 87 1
                                    

Garden

Nakatulala ako ngayon habang kumakain. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa takot na naramdaman ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita at narinig ko o guni guni ko lang. There was a pair of eyes eyeing me, right?

“Okay ka lang, Rory?” nabalik ako sa reyalidad ng haplusin ni Scarlett ang braso ko. Agad akong napatingin sa kanya.

“H– Ha? Ah, o– oo.” sagot ko at iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang kubyertos at isa isang tinusok ang mga bilog na pagkaing handa ngayon para sa umagahan namin.

Hindi kasing laki ng Main Hall ng Mercury University ang isang malaking parte na ito ng Kastilyo. Mayroong mga puting tela sa tuktok na pumapalibot sa Chandelier. Hindi katulad sa Main Hall, ang mga upuan dito ay paikot at kayang kainan ng limang tao.

“Rory, kagabi ka pa gan'yan. May nangyari ba?” tanong naman ni Lily. Nagpeke ako ng ngiti at umiling lang.

Kahit hindi sila parehong kumbinsido ni Scarlett sa naging tugon ko ay hindi narin silang muling nagtanong.

Halos ilang oras pa bago natapos ang aming umagahan. Ang babae ay nag- announce na maya maya ay darating na ang mga mag-iimbistiga at magtatanong sa amin. Sabi niya ay galing pa ito sa kabilang dako ng Magic World. Tatlo silang mga makakapangyarihang ermitanyo. Aniya'y nalalaman daw nito kung nagsisinungaling ka o hindi.

“Magtipon tipon kayong lahat muli sa lugar na ito mamayang hapon. Uumpisahan na rin agad ang imbestigasyon.” sabay sabay kaming tumungo at sumang-ayon sa naging pahayag ng babae.

Umalis na kami sa parteng 'yon ng Kastilyo. Sinubukan kong alisin sa isipan ko ang nakita ko kagabi. Umaga narin naman at mukhang hindi na magpapaawat si Lily at Scarlett sa paglilibot.

“Tara!” patiling sigaw ni Lily at Scarlett at sabay nila akong hinatak kung saan.

~

Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang isang parte ng Kastilyo na hindi pa namin nakikita. Kanina pa kami naglilibot at marami na kaming kwartong napasok ngunit ito na yata ang pinakamaaliwalas sa lahat.

“Ang ganda!” masayang sabi ni Lily. Napangiti naman ako dahil ang daming kakaibang halaman, malalaking puno, at iba't ibang kulay ng bulaklak.

Namangha kami dahil sa parteng ito, maliwanag at mayroong mga bakal na gawa sa ginto na kumukunekta sa halos salaming pader ng paligid. Ito ang hardin ng kastilyo.

“Tignan niyo, oh!” sabi ni Scarlett at sabay naman kaming hinatak papunta sa isang parte ng hardin. Namangha kaming bigla ng nakita ang tinutukoy niya, isa itong bulaklak na ang bawat petals ay iba iba ang kulay. Kulay dilaw, lila, asul, kahel, at marami pang iba. Kung bibilangin ang petals ng kada bulaklak, mayroon itong halos labinglima.

Hinawakan ko ang bulaklak at lalo akong namangha ng halos madulas ito sa kamay ko sa sobrang dulas at gaan.

“Anong bulaklak 'to?” tanong ko.

“Parang nabasa ko na 'yan sa Library. Hindi lang ako sigurado.” sagot naman ni Lily at tinignan ng matiim ang bulaklak. Kami naman ni Scarlett ay ginaya siya at tinignan ng mabuti ang bulaklak.

Noong nalapit ako, medyo nagtaka lamang ako. Mayroon itong parang maliliit na abo. Napatingin ako sa kamay ko at nanlaki ang mata ko ng makita na mayroon na itong parang abo.

Agad ko itong pinagpag at pinahid sa aking damit. Nakuha ko ang atensyon ni Scarlett dahil do'n. Nakakunot ang noo niya akong tinignan.

“Okay ka lang, Rory? Anong nangyari?” tanong niya. Ipinakita ko naman ang aking kamay. Lalong nakunot ang kanyang noo habang iniinpeksyon ito. Akmang aamuyin na ni Scarlett ang abong nasa kamay ko ng bigla kaming hatakin ni Lily.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now