Chapter Twenty One

2.8K 106 6
                                    

Visitors

It's been four days ng makita ko si Team Master Zean at Mia na naghahalikan. Magmula no'n, hindi ko maintindihan ang sarili ko basta hindi ko na sila pinansin pareho. Maski rin naman si Team Master Zean hindi ako kinakausap. Pero si Mia, palagi siyang nagtataray kapag nakakasabay ko siyang kumain, hanggat may pagkakataon siya, sisirain niya ang araw ko.

"Hindi talaga ako makapaniwala!" napatingin ako sa direksyon ni Lily ngayon na halos magtatatalon talon sa tuwa.

Later this evening, it was announced na magkakaroon ng kauna unahang pagbisita sa Mercury University. Dadating dito ang piling estudyante ng iba pang eskwelahan sa buong Magic World. Apat ang eskwelahan sa Magic World, ang Mercury University ay matatagpuan sa East side. Ang mga bibisita mamaya ay ang mga taga- West Side galing sa eskwelahan na tinatawag na Jupiter University. Ang nasa South Side naman ay ang Venus University. And ang sa North Side naman ay ang Neptune University.

“What's the big deal?" I asked. Medyo natatawa pa ako dahil kanina pa excited na excited si Lily. Isang salu salo lang naman ang mangyayari.

“Because we're going to meet the strongest students they have? Malay mo maturuan nila tayo ng ibang techniques!”

“Lame excuse!” napatingin naman kami kay Scarlett. Nandito kasi kami sa kwarto ni Lily ngayon. Balak namin na dito kaming tatlo matutulog.

Umupo si Scarlett sa tabi namin ni Lily sa kama. “We both know na excited ka kasi makikilala mo na sa personal ang greatest healer of all. Which is by the way, from the Jupiter University, son of the second highest member of the Mercury Council.”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Scarlett. Anak ng pangalawa sa Mercury Council?

“It's an honor to finally meet him, Scarlett! Alam natin na sobrang talented no'n at a very young age. He's two years younger than us, pero yung power niya sobrang advance!”

Naisipan ko naman ng makisali. “Teka, anak talaga ng Mercury Council Member? Pa'no? Diba dapat dito 'yon nag-aral?”

Napakibit balikat naman si Scarlett, “Ang alam lang namin, ang asawa ni Sir Ian; the second highest member of the Council, ay may hindi pagkakaintindihan sa pinakamataas sa Mercury Council kaya si Sir Ian, sa ibang eskwelahan ipinasok ang kanilang unico hijo. It's a personal problem that we really don't talk about.”

“Pero payag silang pumunta at bumisita dito ang anak nila?”

Napangisi naman si Lily. “Bakit hindi? Bibisita lang naman. Besides, it's for the upcoming game.” napatungo na lang ako.

Malapit na nga pala ang sinabing laro na Deathmatch. Nasa isang buwan na lang.

“Ano bang itsura niya?” tanong ko.

“Sa pagkakaalam ko, kamukha siya ng kanyang ina.” sagot naman ni Scarlett. Marahil ay may alam ito ng kaunti dahil nasa loob ng Council ang kanyang ama.

Noong nagkaroon ng debate, hindi ko talaga napagtuonan ng pansin ang mga Mercury Council Members kaya siguro hindi ko napansin si Sir Ian.

“How about his wife?”

“She's gorgeous. Actually kung titignang mabuti, hawig mo nga siya, eh.” sabi ni Scarlett. Napatingin naman sa'kin bigla si Lily ng matiim, “Now that Scarlett mentioned it, tama nga. She once visited the University kaya nakita namin siya. She's kind and gentle. Naalala mo nung nagkita tayo sa Secret Town? I thought she was you at the first glance, pero bata ang itsura mo kumpara sa kanya kaya napagtantu ko na hindi siya ikaw.”

Tumungo naman ako at nahiga na kaming tatlo sa kama. Ngayon ay mas nahihiwagaan ako kung anong itsura nung tinutukoy nilang asawa ng pangalawa sa Council. Ngayon ko lang mas nalalaman ang mga taong parte ng Mercury Council.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now