Chapter Sixteen

12.8K 417 15
                                    

Win or Lose?

I only feel hate towards Mia. Ngayon na alam ko na ang mga kaya nyang gawin, mas gusto kong protektahan ang pamilya ko. Why is she so mad anyway? Gano'n ba niya kagusto ng atensyon? And wala akong ginagawa sa kanya pero sa kada tingin niya sa'kin, para siyang papatay ng tao. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang galit niya.

"Rory," nabaling ang atensyon ko sa nagsalitang si Scarlett. Her eyes are asking, "Why are you here? This is my fight. You've done your part, and I thank you for that."

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, "Naargabyado rin ako, Scarlett."

"Rory, this is my fight-"

"Ours Scarlett, our fight." pamumutol ko sa sinasabi niya. Pinisil niya ang kamay ko at bumuntong hininga. Hindi ko hahayaang hindi ako maging parte ng Debateng 'to, nasaktan din ako, at kailangan talagang maparusahan ni Mia sa ginawa niya kay Scarlett at Yuan, pati narin sa kasamaan niya.

"Come on, kahit magtulungan pa kayo wala ring mangyayari." napatingin kami ni Scarlett kay Mia. Medyo nakangiti ito at mukhang boring na boring sa kanyang nakikita. Let's see, Scarlett. Tignan natin kung sino ang mananalo rito.

"How come na mukha kapa ring masaya kahit halatang halata na nanginginig ka na sa takot." saad ko at ako naman ang ngumiti. I can also play dirty, Mia. Kung kinakailangang patulan ko siya, gagawin ko para lang makuha ang justice na kailangan namin ni Scarlett. We almost died, for Pete's sake!

Irap lamang ang naging tugon niya sa sinabi ko. Bumuntong hininga na lang ako at hinanda ang sarili sa mga pwedeng mangyari at maging resulta ng Debate na 'to.

Bigla namang may nagsalitang babae sa gitna, ang itsura kasi ng opisinang ito ay parang sinehan kung saan kami ang pinanunuod na nasa magkabilang dulo ng stage, mayroon pang malaking monitor sa harap pero puro itim lamang ito.

"Ngayon, binibigyan ang dalawang grupo na ipagtanggol ang kanilang mga sarili," sabi ng babae habang nakatingin lamang sa Mercury Council.

"Kung mapapatunayan na totoo ang sinasabi ng Team Master ng Warriors at Member ng Mages na sina Scarlett at Rory, mapaparusahan ang inaakusahang si Mia na member ng Mages, makukulong ito sa Cell Hell," dagdag pa ng babae.

"Pero kapag hindi napatunayan ito, mapapawalang sala ang inakusahan." ibinaling ng babae ang tingin sa amin ni Scarlett at Mia. Tumingin ito sa kaliwa't kanan.

"Ang proseso ng debate ay medyo magiging komplikado dahil ang biktimang si Scarlett ay anak ng pangatlong miyembro ng Council kung kaya't hindi maaaring bumuto si Adolfo. Tanging ang labing dalawa lamang sa Mercury Council ang maaaring bumoto. Pero kapag nag tie ang boto, ang Team Master ng Mages ang huling pipili dahil nasasangkot dito ang dalawa niyang miyembro na si Rory at Mia." napatingin naman ako kay Sir Adolfo na nakayuko lamang ngayon. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito at ang medyo pagyuko nito. Nararamdaman ko ang galit niya at halata ang pagpipigil niya.

"The Debate Starts Now." sabi ng babae bago tuluyang umalis ng stage hanggang sa kami na lamang ang matira.

"Oh, ano na?" sabing bigla ni Mia.

"Why you guys are not saying something?" dagdag pa nito.

"Mia, alam mo ba kung nasan na ang mga inutusan mong mag-ambush sa amin ni Yuan?" napatingin naman ako kay Scarlett na ngayon ay nakangiti pero nakakuyom ang kanyang kamao. Hindi lamang ito napapansin ni Mia dahil nakatago ang kamay ni Scarlett sa likod niya. I know she's not only fighting for herself, but for Yuan too.

"They're sipping their own blood like a tea, caged and burnt alive in Hell. Probably with the presence of Zathan." medyo napalunok naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Zathan, ang pangalan ng Ama ko.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now