Chapter Eight

15K 448 11
                                    

Acceptance

Nakabantay ako ngayon sa burol. Sigurado akong maraming matatanggal ngayon sa unang pagsubok. Ako ang naatasan upang hulihin ang mga unang taong tatanggalin sa pagsubok upang makapasok sa Mercury University.

Nakatingin ako ngayon sa langit. Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang nakatinginan kong babae doon sa Hotel. Mayroong kakaiba sa kanya at pamilyar siya. Hindi ko maintindihan ngunit parang kilala ko ang taong 'yun.

Maya maya pa ay mayroon akong narinig na kaluskos. Napatingin ako sa hindi kalayuan. A small curved drew on my lips. They're here.

Nagtago ako sa isang malaking bato bago tuluyang lumantad ang maraming tao na sumasabak sa test ng Mercury University. Siguradong nacurious sila kung anong mayroon dito sa burol. Maaaring ang iba ay alam na may kayamanan dito.

"Baka matanggal tayo sa pagsusulit kapag itinuloy natin ito?" tanong ng isang lalaki. Umiling naman ang kausap niya.

"Ano pang halaga ng pagpasok natin sa Mercury University kung yayaman naman tayo?" sagot nito at pilit na kinumbinsi ang iba.

I chuckled kasabay ng pag angat ko ng kamay ko at sabay inilabas ang isang asul na bagay na isa sa pinaka ipinagbabawal sa Magic World.

Oh damn, this feels good.

~

[Lily's POV]

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at iniisip sila Rory. Kung makakapasa man sila sa unang pagsubok, malaki ang tyansa na makapasa sila sa susunod na pagsubok. Hindi ko maintindihan ngunit gustong gusto ko silang nakapasok sa Mercury University.

May kakaiba din kay Rory. She's special. Mayroon bagay sa kanya na hindi ko nararamdaman sa iba. I have this feeling na malakas si Rory. And she's just so beautiful. She remind me of someone.

"Lily!" halos napabalikwas ako ng kama. Ang lakas ng katok niya sa kwarto ko. Sigurado akong galit siya ngayon. Knowing Scarlett? She's a warrior, indeed.

"Sandali!" I blurted out bago tumayo. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang isang babaeng masama ang tingin. I smiled na mas lalong rumiin ang titig ni Scarlett. Dahan dahan akong umatras,

"Bumisita lang naman ako sa Secret Town para mapanuod yung fireworks." I said then pouted. Ang tagal ko naring hindi nakabisita sa Secret Town. Isa 'yun sa pinakaimportanteng lugar sa akin.

Naglakad na kami papasok sa kwarto at umupo ako sa kama ko.

"The hell, Lily! Alam mong delikado doon dahil may Test na gaganapin. Ayoko lang na mapahamak ka. Alam kong ngayon, meron ng nangyayari dahil may nararamdaman ako." she said kasabay ng pag-upo sa tabi ko.

Bigla na lamang mayroong tumulong luha sa mga mata ko at agad ko itong pinunasan. Tinignan ko si Scarlett,

"I know. Sorry talaga. Namiss ko lang talaga ang lugar na 'yon at alam mo naman na maaaring 'yun na ang huling punta ko doon dahil may plano ang council." saad ko sa kanya. Hinawakan ni Scarlett ang kamay ko at bahagya itong pinisil.

"Pinoprotektahan lang kita. Ayoko lang na madamay ka. Alam mo naman na siya ang nagababantay sa burol, his power is dangerous dahil hindi niya pa 'yun kontrolado." saad ni Scarlett. Napatungo na lang ako. Tama si Scarlett, we don't kung anong kaya niyang gawin. I just hope na wala si Geo at Rory sa burol dahil siguradong malalagay silang pareho sa alanganin at maaaring doon narin sila mamatay.

Sa Secret Town at Mercury University, ayaw sana namin ng gulo. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit napagpasyahan na hindi na pababalikin sa kanilang bayan ang lahat ng mga hindi nakakapasa sa pagsubok upang makapasok sa Mercury University.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now