Chapter Forty Six

1K 37 8
                                    

War


Pilit na hinahawakan ni Geo ang mga nanginginig kong kamay. Palagi ko 'yong inilalayo sa kanya. Ayokong mabahiran siya ng kasalanan ko.

What gotten into me? Naaalala ko lahat ng ginawa ko, kung paano ko gustuhin ang pagpapahirap kay Manuel at sa ibang tauhan ni Supremo. Hindi parin ako makapaniwala na naging panandaliang kasiyahan para sa akin ang pumatay.

I know something is inside me, pero sigurado ako na may parte sa akin na hinayaan 'yong magwagi. That somehow I can fight, and stop it, pero hindi ko agad ginawa.

"Rory, i-its okay." saad ni Geo. Paunti unti paring bumababa ang mga luha papunta sa'king pisngi.

I looked at him. Niyapos ang aking puso ng makita ang nakakaamo niyang mga mata.

Mas lalong lumakas ang bugso ng takot sa damdamin ko. Paano kung sa susunod, sila Geo na ang masaktan ko? Paano kung dugo na nila ang mga nasa kamay ko? At paano na lang kung katakutan nila ako dahil sa kanilang nakita?

Napailing ako dahil sa naisip. Parang sinasaksak ang aking dibdib.

May mga hakbang akong narinig na papalapit sa'kin. Nang magtama ang paningin namin, napatakip agad siya ng bibig at dinaluhan ako kasabay ng isang napakahigpit na yakap.

The warmth in her body made me somehow relaxed. Ang mga nanginginig kong kamay ay niyakap siya pabalik. Mahina kong naririnig ang kanyang pag iyak. Nanikip lalo ang dibdib ko dahil do'n.

Dahan dahan kong hinimas ang kanyang ulo.

"I- I was so scared. I t- thought I'll lose both you and Z- Zean." mahina niyang saad sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Napasinghap ako at mas lalo siyang niyakap ng mahigpit. Para kay Scarlett na itaya ang buhay niya para iligtas ako, how can I ever repay her? At matapos ang nagawa ko, do I still deserve her? Them?

Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko sa lahat ng nangyari at sa lahat ng nasaktan ko, sinubukan kong tibayan ang loob ko para sa lahat ng taong itinaya ang buhay nila para protektahan ako.

Lalong lalo na si Zean.

Dahan dahang kumawala si Scarlett sa yakap. Ang namumugto niyang mga mata ay napatingin sa mga kamay ko. Nagulat ako ng kinuha niya ito at ipinunas sa tela. Naramdaman ko ang marahas na pagsubok niyang tanggalin ang mga dugo sa aking kamay.

"S- Scarlett." utas ko.

Kumunot ang noo ko ng makita ang pagbabaho ng ekspresyon niya. Like she's mad. So mad.

"He made you do it. I know it." matigas niyang saad.

Naguluhan ako dahil sa sinabi niya. Mas lalo akong nagulat ng inalalayan nila ako ni Geo tumayo. Nabaling ang tingin ko sa tinitignan ni Scarlett.

Nakaramdam ako ng pagkamuhi ng muling magtama ang patingin namin ni Supremo. Halata ang gulat sa kanyang mga mata. Ilang segundo pa kami nagkatitigan bago lumapat ang ngiti sa kanyang labi.

"I didn't know you have the guts, Rory? I love how you killed my men without hesitations!" masaya niyang saad. Para ba siyang nakakita ng isang hindi kapani paniwalang bagay.

Narinig ko ang matigas na mura ni Scarlett sa aking tabi. "You!" sigaw nito.

Naglakad si Scarlett papalapit kay Supremo. Kuyom na kuyom ang mga kamao at naguumapaw ang galit sa mata. Dinuro niya ito. "You made her do it!"

The Demigoddess' SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz