Chapter Nineteen

14.4K 438 13
                                    

Limpid Lake

Tulad ng napag-usapan namin ni Madame Zina, mayroon ngang sumundo sa'kin. Nakasuot siya ng itim na hood kaya hindi ko nakikita ang mukha niya at may mask pa siya. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya hindi rin ako umiimik. Nandirito kami ngayon sa gitna ng kagubatan.

Hinahawi ko ang mga sangang nasa daraanan namin. Ang dilim na ng paligid at halos hindi ko na maaninag ang buong paligid. Gabing gabi na talaga.

Napahinto ako ng huminto bigla ang lalaking nakahood. Nag bow ito sa akin, "Hanggang dito na lang po ako." sabi niya at biglang tumakbo paalis.

"Teka-!" pero hindi ko na siya nakita. Napabuntong hininga ako dahil mukhang iniwan na nga niya ako. I can use the help, you know. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

I never imagined na may ganoon palang ginagawa ang mga Team Masters. How are they getting along anyway? Alam ko namang hindi okay si Scarlett kay Team Master Zean. And Scarlett is probably not letting Lily get close to Team Master Zean. Ano naman kayang tumatakbo sa isip nila habang magkakasama sila?

Nakaramdam naman ako ng galak ng paunti unti ay naririnig ko na ang agos ng tubig sa lawa. I'm pretty sure I'm near the Limpid Lake. It wasn't that hidden than I'd thought. Mas binilisan ko pa ang paglalakad at ang paghawi ng mga nakaharang sa dinaraanan ko. Medyo sumasakit na ang paa ko dahil kanina pa kami naglalakad. Hindi rin naman ako gaanong handa sa mga ganitong bagay.

"Zean, ilag!" nagulat akong bigla ng marinig ko ang boses ni Lily. Kinabahan naman ako dahil hindi ko gusto ang tunog no'n. Mas binilisan ko pa ang takbo ko.

"I'll distract it, magtago na muna kayo!" rinig ko namang sabi ni Team Master Zean.

Darn. Sabi ko sa isip ko. Tumakbo pa ako ng mabilis sa pinanggagalingan ng tunog ng tubig at boses nila. At paunti unti, naaaninag ko na ang lawa.

"No! We won't leave you behind!" sagot naman ni Lily. And finally, matapos kong hawiin ang nahuhuling sanga na nakaharang ay tuluyan ko na silang nakita. And I was in shock.

Si Lily at kasalukuyang ginagamot ang nakasandal na si Scarlett sa isang puno. Punong puno siya ng sugat at si Lily naman ay may mga galos na. Habang si Zean ay nilalabanan ang isang nilalang na hindi ko alam ay totoo pala.

Napatakip ako ng bibig. Every time na aatake si Team Master Zean ay agad na nakokontra ng Sea Dragon. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya. Aaminin ko na wala akong ideya kung ano man ang kapangyarihan ni Team Master, pero tuwing bumebwelo siya para gamitin 'yon ay nauunahan siya ng atake ng Sea Dragon. Nakikita ko kung paano nahihirapan na si Team Master habang ang Sea Dragon naman ay puno narin ng galos at napansin ko na may putol ang isang tinik nito sa bandang ulo.

"Lily, dalian niyo hanggang kaya ko pa! Magtago ka na!" sigaw ni Zean. Patuloy lang namang ginagamot ni Lily si Scarlett. At halata sa mga mata nito ang pag-aalala. Pabalik balik ang tingin niya kay Team Master Zean at Scarlett. Hindi pa nila ako napapansin dahil medyo nasa tagong banda pa ako ng lawa. Ilang hakbang at tuluyan na nila akong mapapansin.

Nakita ko na pinipilit ni Scarlett na tumayo pero pinipigilan siya ni Lily.

"Sa likod mo, Zean!" sigaw nito kaya napatingin ako kay Team Master Zean. Nakatalikod siya at ang Sea Dragon naman ay akmang bubuga sa bibig niya ng tubig. Nanindig ang balahibo ko kaya kumuha agad ako ng isang sanga at pinalutang 'yon patungo sa direksyon ng dragon. It's all color blue and a little green.

Tumama ang sanga sa mata ng Sea Dragon kaya ang tubig na ibubuga sana nito na didirekta kay Team Master Zean ay tumama sa iba.

It growled so loud.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now