Chapter Eighteen

2.8K 94 0
                                    

The Mission

Regarding how mad I am at Mia right now, wala akong choice kundi ang sumunod sa mga inuutos niya. Hinati ngayon ni Team Master Zean ang Mages into Eight groups, at kung sinuswerte ka nga naman, doon pa talaga ako sa grupo ni Mia.

“You'll be attacking here. You and you, tayo ang puputa sa west side– ikaw naman tsaka ikaw, sa east kayo.” paliwanag ni Mia sa amin. Nakapaikot kami ngayon at mayroong tig sa- sampung tao sa isang grupo. Lahat ay kanina niya pa minamanduhan.

“How about me?” I asked. Hindi niya parin kasi binibigay ang talagang gagawin ko. Utos lang siya ng utos ng kumuha ng ganito o ganyan.

Nakita ko ang pagpameywang niya at tinignan ako ng matiim, “You'll stay here. Kapag nakuha ang flag natin, ikaw ang sisisihin ko.” sabi niya at tinalikuran na ako. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa inis.

Isa isa ng pumunta sa kanya kanyang pwesto ang mga kagrupo ko pa. Nagkakaroon ngayon ng Tag Team. This happens every month, isang beses. Walang exact day basta depende sa kung kailan at gusto ng Council. Nainform lang ako kaganinang umaga about dito.

They said that the rules are simple. Kailangan mo lang protektahan na hindi makuha ang flag niyo, because if makuha ng ibang grupo, talo kayo. Before sunset, ang may pinakamaraming makukuhang flag at hindi sila nakuhaan ng flag ang mananalo. They say na kapag nanalo ang grupo niyo, ilalaban naman kayo sa nanalong grupo sa Sages at Warriors.

Walang gana akong naupo sa tabi ng flag namin. It's not big though. Sakto lang siya, kasing haba ng braso ko. Kulay pula siya pero may nakasulat na number, ang sa amin ay 5 ang nakalagay. Napangalumbaba ako dahil pakiramdam ko ganito lang naman ang gagawin ko sa buong araw akong nandito.

— and then again, I am right. Tinignan ko ang araw na halos papalubog na. No wonder kung bakit noong sinabi sa'kin 'to ni David ay mukhang wala siyang kainteres interes. Binggit kasi 'to ng Council noong kami nila Lily ay nasa Holy Place nila at binisita ang puntod ng mga mama nila.

Naalala ko naman yung libro na nakita ko sa kibrary at yung mga bilog na bagay na sa tingin ko ay energy balls. I really need to show them that that book is real. I have many questions in mind and I regret na hindi ko pa binasa ng buo yung libro noong hawak ko. But I'm pretty sure that it'll be there dahil nakita 'yon mismo ng dalawa kong mga mata.

Napatayo ako dahil nakarinig ako ng kaluskos. I guarded the flag at nagpalingalinga. I know that there's someone here aside from me. I somehow feel the presence.

“This year's tag team wasn't bad at all.” naibaba ko ang guard ko ng makitang sila Mia 'yon kasama ang iba ko pang ka- team. Nagtatawanan sila at mayroon silang dalang mga flags.

“Oo nga. It wasn't boring. Pakiramdam ko nabuhay ang dugo ko.” tugon naman sa kanya ng lalaking kausap niya. Nagtawanan naman sila ulit pagkatapos no'n.

I frowned. Wala naman kasi akong ginawa. Nakaupo lang ako rito kanina pa habang binabantayan ang flag namin at kahit isa wala man lang nagtangkang kumuha.

“Oh Rory, nand'yan ka pala.” sabi ni Mia pero ramdam ko sa tono ng boses niya na nang-aasar siya. I just rolled ny eyes at hindi na lamang siya pinansin. Wala rin naman akong dapat sabihin sa kanya. Besides, it's almost sunset, nakakapagod parin na maupo lang dito.

“Why don't you bring all these flags para naman may maitulong ka? Ang sarap ng buhay mo eh, nandito ka lang.” dagdag pa ni Mia at ibinato sa harapan ko ang anim na flags na nakuha nila. Lalo naman akong nainis dahil sa ginawa niya.

“Sana kasi hindi mo ako in- assign na magbatay para may nagawa ako.” I mumbled habang pinupulot ang mga flags na ibinato niya. Wala namang imik ang iba ko pang ka- grupo sa pinaggagawa at pinagsasabi ni Mia sa'kin.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now