Chapter Thirty One

2.6K 75 8
                                    

Truth

Mabilis na lumipas ang oras sa loob ng Glitch. Hanggang ngayon ay palaisipan parin ang orb na pinapili sa'kin ng Supremo, at pati na ang kakaibang kinikilos ni Zean.

Matapos ang pag-uusap namin kagabi ay hindi na niya ako muling kinibo. I always reach out to him but I can feel na ayaw niya akong kausapin. It's like, he's distancing himself from me.

Malalakas na katok ang narinig sa aming pintuan. Sabay kaming nagkatinginan ni Zean dahil do'n. Bumalik at mas lumapad ang pagkakalapad ng kunot sa kanyang noo. Tatayo na sana ako ng kama ng bigla siyang naglakad papunta sa pinto.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa pintuan.

"Pinatatawag kayo ng Supremo." saad ng lalaki sa pintuan. Tungo lamang ang isinukli ni Zean bilang tugon sa kanya at bigla na niyang isinara ang pintuan.

Pagtataka naman ang bumalot sa akin. Zean look pissed. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong ginagawang masama at nakakairita.

Aside from looking at him almost every minute.

Pinilit ko na lamang alisin sa aking isipan ang mga iniisip ko sa paiba ibang emosyon na ipinapakita ni Zean at nagsimula ng maghanda para harapin ang Supremo.

~

Muli kaming nakarating sa lugar kung saan kami huling nagkita ng Supremo. He's again, sitting on the hair on my front. Magkatapat na naman kami at si Zean ay nakabantay sa gilid ko.

Inilibot ko ang aking mga mata dahil hinanap ko ang taong nakita ko noon na parang pula ang mata.

I am pretty sure about it. I know he has red eyes. And I can feel something weird when our eyes met. Para bang, may kung ano siyang gagawin na hindi ko magugustuhan at magdudulot lamang ng gulo. My instinct tells me that something is not right and something bad might happen.

"Ehem!" nabaling bigla ang aking tingin sa Supremo. And when our eyes met again, para bang gusto ko agad siyang layuan ng tingin. May kakaibang ngiti ang lumabas sa kanyang labi.

He leaned closer to me and winked. Agad namang napakunot ang aking noo dahil sa kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Pa'no ba 'yan, Rory?" paninimula niya. Muling kumunot ang aking noo dahil wala akong ideya sa sinabi niya. Para bang mayroon siyang balita na natanggap na umaayon sa kanya. And I don't like it.

What's with him?

Nakita ko bigla ang pagabante ni Zean sa gilid ko kaya napatingin ako agad sa kanya. His eyes are deep, as usual. Pero parang may kakaiba. It's like he's keeping his steam and anytime, pwede 'yong sumabog.

"Supremo, let's talk first." bungad ni Zean. Napatingin ako bigla kay Supremo.

He smiled. "Sure, Zean. Pero kumain na muna tayo. May celebration ako." sagot nito. Nabalik naman ang tingin ko kay Zean at kita parin na matalim ang tingin niya kay Supremo.

I don't really have a clue what's going on but I can clearly see that Zean is against it. And kapag ganyan siya, sigurado ako na hindi 'yon maganda.

Tumayong bigla si Supremo at hindi na hinintay ang magiging tugon ni Zean. Inayos niya ang suot niyang damit at muling nagtama ang tingin naming dalawa. He winked at me again at tumalikod na. Tinawag niya ang mga tauhan niya at minanduhan sila. Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Zean kaya tumingin ako sa kanya.

He'z eying me intently. As if I committed a crime.

"B- Bakit po?" I asked. Dahan dahan akong tumayo dahil kinakabahan ako sa mga tingin ni Zean. He let out a deep sigh. Pakiramdam ko may kung ano siyang iniisip tungkol sa'kin. Dahan dahang naglandas ang kamay niya sa balikat ko. Nangilabot agad ako at agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa hawak at titig niya.

"I'll handle this." saad niya. Wala ako sa wisyong tumungo naman. Nabalik lang ako sa reyelidad ng marinig ang sunod sunod na mga yabag. Napatingin ako sa mga tauhan ni Supremo na dahan dahang dumarating at lumalapit sa'min.

Nang makalapit sila ay inilahad nila ang kamay namin sa isang hindi kalayuang pintuan.

"Doon ang pagsasalo. Hinihintay na kayo ni Supremo."

Agad akong napatungo at kahit alam kong kakaiba ang mga titig nila, sinundan ko na lamang ng tingin ang pintuan. Pero bago ko pa man tuluyang lisanin ang silid na 'yon, nahagip ng aking mata ang isang lalaki na hindi kalayuan.

His eyes are red. Shit, that was him!

~

Dahan dahan ang naging lakad ko sa iaang makipot na daan. I don't know kung nakakahalata na si Rory pero pakiramdam ko hinahanap niya ako. She is really something.

Agad akong nagtago ng makita ko na may paparating na ibang tauhan si Supremo. Dahang dahang dumaan ang kanilang mga hakbang hanggang sa nawala na ang mga tunog nito. I have to be careful dahil susundin ko pa ang iniuutos sa akin ng Pinuno.

And I need to move fast. Kaninang umaga ay dumating na ang kasulatan kung saan binibigyan na ng order si Supremo para imbistigahan si Rory. I know that Zean is aware. Alam kong alam ni Zean na maaari ng gawin ni Supremo ang lahat kay Rory dahil binigyan na siya ng kautusan ng itaas.

Palabas na sana ako sa tinataguan ko ng biglang may mga yabag akong muling narinig. Agad akong kumilos at biglang nagtago.

Nakita ko sa pader ang anino nila. Dalawa sila at dahan dahang naglalakad.

"Supremo wouldn't want us to meddle.  He wants Rory all by himself." saad ng lalaki. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko maintindihan pero parang gusto kong tulungan si Rory. I have this feeling na pakiramdam ko gagawin sa kanya ni Supremo ang mga ginawa nito sa pamilya ko.

"Wala tayong magagawa. What Supremo wants, he always gets." pagsang ayon ng isang lalaki. Nakita ko ang pagtungo ng isang anino at ang pagsang-ayon nito.

"Pero nand'yan si Zean, di'ba? Sigurado ako na hindi siya papayag na kunin ni Supremo si Rory."

Biglang napahinto sa paglalakad ang isang anino. Napakunot ang noo ko. Dahan dahan pa akong nas lumapit sa pwesto nila para mas marinig ang kanilang pinaguusapan.

"Narinig ko ang Supremo. Mayroon siyang plano para makuha si Rory ng hindi nalalaman ni Zean." nanlaki agad ang mga mata ko sa narinig ko.

"H- Ha?"

"Narinig ko si Supremo. May plano siya. At may isa pang bagay na nakababahala."

"Ano?"

Huminga ng malalim ang lalaki. "It was him. Si Supremo ang nagpadala ng espiya sa University at hindi si Rory ang traydor kundi siya."

Lalong kumuyom ang kamao ko. Sa tingin ko ay wala na akong ibang choice kundi sundin ang iniuutos ni Pinuno sa akin. Kung tama at totoo ang sinasabi ng lalaki, nasa hindi nga magandang kalagayan si Rory. I need her and Zean para mas matuloy at sumang-ayon sa amin ang lahat. Tama si pinuno, we need them both and they'll be needing us too.

Nagagalit ako sa pagkahalang ng bituka ng Supremo. Mas lalong namuo ang galit sa akin.

Nang tuluyan ng nawala ang mga yabag at mga anino, lumabas na ako sa tinataguan ko. I stood there froze and still,

I need to talk to Rory and Zean, I need to tell them what I know.

~~~

A/N: Super late update kaya sorry! Busy lang ako dahil magshi- shift ako ng course at marami akong inaasikaso. Pero uulitin ko, this story was completed years ago! Once na makabalik na ako sa line up, everyday na ang update.

Thanks for reading and for the support! Long live, yellows!

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now