Chapter Forty One

2.1K 57 11
                                    

Bloodshed III

Everything is getting clear to me right now. That every person, each one of them, either themselves or their love ones were abused and used by Supremo. Dumiin ang kamao ko dahil doon. Hindi ko tanggap na ginagamit at inaabuso niya ang kanyang katungkulan.

He has all the right to punish people, but only those who are really guilty by doing bad things. And in a legal way. What he's doing, legal na proseso pero hindi makatao.

Kanina ay pinalinawagan ako ni Crio. Halos nalaman ko ang kwento ng mga kasamahan niya. Dahil doon ay unti unti ko ng naiintindihan kung bakit ganito na lamang ang galit nila kay Supremo. He's a demon in flesh.

"Lahat ng narinig mo, totoo. Lahat kami ay tinanggalan niya ng karapatan para makasama ang mga mahal namin sa buhay ng mas matagal. Imagine the pain we've been through? Nakatatak na sa'min 'yon at hinding hindi matatanggal ang sakit." saad ni Crio pagkaabot sa'kin ng pagkain.

Bakit pakiramdam ko ay ito na ang magiging huling kain na mararanasan namin?

"Kaya buhay niya ang kapalit. Naiintindihan ko." saad ko.

Tinignan kong muli ang kapaligiran. This is the real Glitch, huh? Bones everywhere, marks of blood na nanuyo na sa tagal, at ang medyo nakakasulasok na amoy. Pero pansin ko sa mga mukha ng mga taong naririto na wala silang pakielam sa paligid. Ang hinagpis at galit sa kanilang mga mukha ay halatang halata.

Dumawi ang aking tingin sa kanilang Pinuno. Kausap nito ang iba niyang tauhan at nagmamando ng kung anong mga armas ang gagamitin. It's really amazing how calm he is right now, kahit pa nalalapit na ang pag aaklas namin.

"Rory, I know what happened to Zean." I was taken back to reality ng magsalita si Crio. My eyes widen.

"W- What?" saad ko na medyo namamaos. Shit! Nakalimutan ko na ang tungkol kay Zean ng dahil sa bagong impormasyon na pumasok sa isip ko!

Hinanap ko ang mga mata ni Crio ngunit halata ang pag iwas nito. Nakayuko lamang siya sa harap ko at nakatingin sa kanyang pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay hindi parin siya nagsasalita kaya't naisip ko na tawagin ulit siya ngunit bago ko pa man gawin 'yon ay may tumakbong isang lalaki.

Nagmamadali siya papasok at papalapit sa Supremo. Bigla kaming napatayo ni Crio lalo na ng mapansin namin na mayroong mga dugo ang pumapatak mula sa kanya sa lupa.

"P- Pinuno!" sigaw nito na mas nakakuha ng atensyon ng lahat. Ang pinuno ay pilit siyang inalalayan upang makaupo.

"Rory, tara!" aya naman ni Crio sa akin at lumapit kami sa lalaking duguan. Blood all over his face. I can't barely see his expressions, pero sigurado ako na siya ay nasasaktan.

Nangatog ang aking mga tuhod. Isa pa lamang ito sa mga pwede kong masaksihan. I can't even imagine that I will be part of it.

"Anong nangyari, Isteban?!" tanong ng pinuno habang sinusubukang gamutin ang kanyang sugat. Napasigaw sa sakit si Isteban. He is in his mid-forty sa aking palagay.

"M- May mga t- trespassers sa Glitch!" saad nito sabay sigaw muli. Namuo ng bulong bulungan ang paligid. Naramdaman ko naman ang tensyon.

Trespassers? Sa ganitong oras? This place will be filled with blood in the next couple of hours!

"Anong ibig mong sabihin?" saad naman ni Pinuno.

"M- May mga estudyante ng M- Mercury University ang d- dumating." he said. And after he uttered those words, biglang kumalabog ng mabilis ang dibdib ko.

Kusang umatras ang aking mga paa papalayo kay Isteban at sa Pinuno. Naramdaman ko naman bigla ang hawak ni Crio sa aking braso. Tinignan ko siya at puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

Why am I feeling this? Bakit pakiramdam ko ay malaki ang tyansa na kilala ko ang tinutukoy ni Isteban?

"Rory, bakit?" tanong ni Crio.

"May kilala ka ba sa mga trespassers, Isteban?" tanong ni Pinuno. Halos sabay na tanong sa'kin ni Crio ngunit mas narinig ko ang kay Pinuno kahit medyo lumayo ako sa kanila. Ang aking tenga ay natatakot marinig ang mga maaaring isagot ni Isteban.

"A- Apat sila na nasa Main Gate at pilit na gustong p- pumasok. Isa lang ang k- kilala ko sa kanila." saad ni Isteban.

"Sino?" nagulat ako ng hindi ko na napigilan ang sarili. Napunta sa aking gawi ang tingin ng lahat pati ni Isteban. Namuo ng pagtataka ang kanyang mata.  Nag alab naman lalo ang apoy sa aking mga puso ng dahil sa takot na maaaring sila ang mga malalapit sa aking puso, at sa takot na pati sila ay madamay.

My heart is still not at ease because of Zean. I still don't know what happened to him. Hindi ko na yata kakayanin na malamang may malapit pa sa buhay ko na madadawit sa gulong ito.

"S- Scarlett Maldives." saad ni Isteban.

My heart pounded fast. Nangatog ang aking mga tuhod at mabuti na lamang ay inalalayan ako ni Crio upang hindi matumba. Why is this happening?

"Rory, kilala mo sila?" tanong ni Crio.

I looked at him, "B- Bring me to the main gate, C- Crio, please." saad ko at halata ang gulat sa kanyang mukha.

I need to save my friends. Tingin ko ay alam ko na kung bakit sila nandito, at alam ko narin ang nangyayari. For them, the war will start in a couple of hours, but the real war has already began.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now