Chapter Thirty Five

2.3K 76 8
                                    

Torn

Pabalik balik ako sa paglalakad dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakali. Paano ko naman sasabihin kay Zean ang mga nalaman ko?

I let out a sigh.

"What's taking him so long?" kanina pa ako nandito sa kwarto mag-isa. Hindi ko alam kung bakit wala paring Zean na nagpapakita. Paminsan ay sinisipat ko agad ang pintuan kapag may naririnig akong mga yabag, ngunit kahit na isa ay walang pumasok sa kwarto.

Nahsisimula naring mamawis ang palad ko sa kaba. I am worried na baka may nangyari sa kanya. Paano kung may ginawa sa kanya ang Supremo? Shit!

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang ramdam na ramdam ko ang inip ng paghihintay kay Zean. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. I feel uneasy. Bigla naman akong napahawak sa kwintas ko, and nagulat ako ng medyo mainit ito.

Matagal na itong nakatago sa damit ko at hindi ko pinapakita kahit kanino man. Tinignan ko ito at medyo nagtaka ng napansin na medyo nagkaroon ng itim ang pendant. This was a bright red, what happened? I shook my head.

Well, this is not the right time to worry about it. Mas may kailangan akong alalahanin.

"Zean, where are you?" I asked habang nakatingin sa pintuan at hinihintay na dumating siya.

~

Agad kaming napatakbo ni Scarlett palabas ng Mercury University dahil sa ibinalita ni Yuan. Pagdating namin sa labas ay nandoon ang ibang mga estudyante, nandoon din si Madame Zina.

"Z-Zean." saad ko ng makita ko siyang akbay akbay ni David, isa sa ka- Team niya. Mabilis ako tumakbo sa kanya at sinipat ang kanyang mukha na mayroong mga sugat.

"Ibaba mo siya." saad ko kay David dahil kailangan kong gamutin agad si Zean. Hindi ko alam kung anong nangyari pero puno ng sugat ang kanyang mukha at may mga mantsa ng dugo sa kanyang damit. Ramdam ko naman ang panginginig ng kamay ko habang dahan dahang inilalapit ang halos hindi na makapagsalitang si Zean.

Itinapat ko agad ang aking kamay kay Zean at pilit na ginamot ang kanyang sugat.

"Nasa'n si Rory?" napatingin ako kay Scarlett dahil sa tono ng kanyang boses. Para itong nanginginig. Dahil medyo nagamot ko si Zean ay dahan dahan itong dumilat. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang labi ngunit walang lumabas na salita sa mga ito.

Bigla naman siyang napadaing. "'W-Wag muna natin siyang pwersahin, kailangan niya pa ng laka-"

"Fuck!" napatingin ang lahat sa biglang sumigaw na si Geo. Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. Kitang kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Why is he....crying?

Mabibigat ang naging hakbang nito papalapit sa pwesto ko at sa nakahiga sa sahig na si Zean. Kitang kita ko ang galit sa mata ni Geo habang diretso ang titig kay Zean.

"You fucking told me that you'll protect her no matter what!" sigaw niya at akmang susugudin si Zean ng humarang bigla si Mia. Nagkaroon naman ng bulong bulungan sa buong paligid. Napalingon ako kay Madame Zina ngunit nakapagtataka na wala siyang ginagawa kung hindi ang manood lang sa mga nangyayari.

"Walang kasalanan si Zean!" sigaw ni Scarlett. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao ni Mia. Ngayon ay nahati ang atensyon ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako at hindi ko magawa ng maayos ang panggagamot kay Zean dahil sa halo halong emosyon.

Marahas na itinabig ni Geo si Mia na dahilan kaya natumba ito sa sahig. Kita ang puot sa mga mata ni Geo. Muli itong naglakad papalapit sa amin. Naestatwa naman ako sa pwesto ko at para bang napako ang tingin ko sa mga mata ni Geo. It's so dark, so dark.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now