Chapter Twelve

16.2K 446 24
                                    

New Beginning

Parang may konting kumirot ang tagiliran ko kaya bahagya akong napadaing. Nararamdaman ko ang dahan dahang andar ng paligid ko. Idinilat ko ang mga mata ko at napansin na nasa loob ako ng isang sasakyan. Kulay itim ito at dumaraan sa isang lugar na hindi ko alam. Where am I?

"Oh, Rory gising ka na pala." nabaling ang atensyon ko sa boses na nagsalita. Isang malaking ngiti ang binungad sa akin ni Sir Adolfo. Napakurap kurap naman ako.

Dahan dahan 'kong iniangat ang mga kamay ko at hinawakan ang ulo ko. Napakasakit nito at pakiramdam ko may nakalagay na benda.

"N-Nasaan po a-ako?" pautal kong sagot kay Sir Adolfo dahil iniinda ko parin ang sakit ng tagilirin ko. Nakapagtataka dahil nandito parin ang ibang sugat ko. Hindi ko naheal. Kakaiba talaga.

"Papunta na tayo ng Mercury University." sabi ni Sir Adolfo kaya medyo nabigla ako. Tinignan ko siya sa mga mata at mukhang natutuwa talaga ito.

"P-po?" sabi ko parin habang hawak hawak ang ulo ko. Inilibot kong muli ang tingin ko. Totoo na ba 'to?

"Nakapasa ka, hija. Pasado kayong dalawa ng kaibigan mo." sabay turo niya sa tabi ko. Halos maluha naman ako ng makita ko si Geo sa tabi ko at natutulog. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Marami siyang sugat na paunti unting naghihilom kagaya ng akin. Siguro'y ginamot nila kami.

"Akala ko mamamatay kana kanina hija.." napatingin nman ako kay Sire Adolfo. "..alam mo bang napakarami ng napatay ng taong yun sa test? Mabuti na lang at iba ka sa kanila. Natalo mo siya." halos bumalik naman ang lahat sa ala-ala ko, ang paglalaban namin, ang mga sugat na natamo ko, ang bawat eksena na akala ko'y katapusan ko na. Napahawak ako sa kwintas ko dahil naalala ko ang mga sensasyon. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mahawakan ko ito. Para itong may kakaibang pakiramdam sa mga kamay ko.

"Ang kaibigan mo 'rin ay malakas. Nakalaban niya naman ang babaeng gumagamit ng itim na mahika. Mabuti na lang at natalo rin niya ito." napatingin naman ako kay Geo at napangiti.

Pero napawi rin ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang iba pa naming kasama, kaming apat lang kasi ang nandito sa sasakyan, kasama ang driver.

"Nasaan ang iba?"

  Halos mapabuntong hininga naman si Sir Adolfo sa naging tanong ko. Kumunot ang noo ko dahil dito.

"Hindi sila nakapasa." tanging tugon ni Sir Adolfo. Tumaas ang mga balahibo ko. Ibig sabihin wala na sila, ibig sabihin hindi sila umusad at tapos na.

"Akala ko nga marami ang makakapasa, pero siguro'y swinerte lang sila sa una at pangalawang tests." malungkot na sabi pa nito.

"I-Ibig sabihin po, dalawa lang talaga kami ni Geo ang nakapasa?" tanong ko. Tinignan niya ako ng may halong lungkot sa mga mata sabay tumungo. Kakaiba talaga ang ganitong pangyayari. Si Sir Adolfo, siya yung tipo ng tao na sa unang kita namin ay parang walang puso. Pero ngayon, ramdam ko ang pagdadalamhati niya.

"Hija, alam mo bang may isang taong gustong gusto kang makita?" sabi nitong bigla. Napakunot muli ang noo ko sa sobrang pagtataka. Someone who wants to see me?

"Sino po?"

"Si Lily." sabi niya kaya nagliwanag ang diwa ko.

"T-Talaga po?"

"Oo hija, tumawag kasi siya sa akin at nagtanong kung sinong mga nakapasa, nabanggit ko ang pangalan niyo ng kaibigan mo at nagulat ako nung halos masigawan niya ako sa telepono sa sobrang tuwa. Pero syempre nagtaka ako, pero ikinuwento niya naman sa akin." sabi ni Sir Adolfo habang patawa tawa pa siya at tila may mga inaalala.

The Demigoddess' SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz