Chapter One

24.6K 702 22
                                    

Necklace

Pumila na kami ni Geo sa naatasang pwesto namin at hinintay na papasukin. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, lungkot, pangungulila, at nakararamdam din ako ng saya dahil ay bago akong mga mararanasan.

Tumingin ako sa paligid ko, nakikita ko ang mga taong nakapila rin na halatang kinakabahan at mga pinagpapawisan. Hindi naman nakapagtataka dahil maaring ito na ang huli nilang tungtong sa bayan nmin.

"Rory." Sabi sa'kin ni Geo na kasalukuyang nasa likuran ko.

"Ano?" tangi kong naisagot sa kanya. Masyadong okupado ang isip ko ngayon. Iniisip ko kung ano bang mga maaari kong maranasan sa pag-alis ko rito sa bayan namin.

"Tingin mo ba makakapasa tayo?" saad muli ni Geo kaya napaisip din ako. Hindi ko alam kung ano bang isasagot ko sa kanya dahil lahat naman kami dito ay walang alam sa mga maaaring mangyari.

Makakapasa nga ba kami? Wala ring may alam. Lalo na dahil dito sa bayan namin ay kakaunti nga lang ang nakakapasa, at wala pang nakababalik.

"Ewan ko. I can't predict the future." Pamimilosopo ko sa kanya. Hindi rin talaga kasi ako sigurado kung paanong test ba ang kasasangkutan namin.

"Well, may point ka." Sabi na lang niya kasi halata namang hindi ko talaga alam at kahit sino samin ay hindi alam, tanging ang mga taga Mercury Council lang.

Napabuntong hininga na lang ako habang iniisip kung makakapasa ba kami.

Kapag hindi kaya kami nakapasa mamamatay kami? Kapag nanalo kaya? Pareho lang ba?

Tuloy tuloy lang ako sa pag-iisip, hindi ko namalayan na isa isa na palang pumapasok ang mga kasamahan ko sa mga nakalaan nilang sakayan. Isang mahabang sasakyan na kulay silver at may green na guhit sa gitna nito. May nakasulat na Mercury University. Simple siya tignan pero sobrang elegante kung susuriing mabuti.

"Rory, ikaw na, sakay na." Bulong ni Geo sakin. Napatingin naman ako sa direksyon ng bahay namin, hindi ko napansin na nakatayo pala don si lolo sa pintuan. Pagkalapat ng mga mata namin, nginitian ko si lolo at inalis na ang pagkakatingin sakanya, ayokong makita niya ang luha na pwedeng pumatak sa mga mata ko kahit anong oras dahil sa sakit at lungkot.

Nagsimula nang umandar ang sinasakyan namin, magkatabi kami ni Geo sa bandang likod ng sakayan. Sobrang simple lang ng loob ng sasakyan namin, parang casual na sasakyan lang, pero marami rami rin itong upuan.

"Rory, sapat kaya ang kakayahan ko para makapasa?" napatingin ako kay Geo. Halatang halata ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Sa tagal naming magkakilala, alam ko na ang totoo kapag tumitingin ako sa mga mata ni Geo.

Hinawakan ko ang mga kamay ni Geo at marahan itong pinisil. "Oo naman. We will do everything para makabalik tayo rito. Let's give our best shot."

Nagkaroon ng katahimikan sa paligid matapos n'on. Wala nang nagsalita. Masking ang mga kasama namin dito sa loob ay walang kibo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paggalaw ng sinasakyan namin at ang pagtama ng mga lubak sa sasakyan.

Napaisip naman ako bigla sa mga sinabi ni Lolo na walang dapat makaalam ng kapangyarihan ko. Ano nga ba ang kakaiba dun? I can manipulate things, many can do that. Pero may isa pa akong abilidad na maski ako ay hindi maipaliwanag. When my eyes turn red, my mind turns black. Tapos magigising na lang ako na may kakaibang nararamdaman. Pagod ako, pagod na pagod. Minsan may dugo pa ako sa mga kamay. Wala akong maalala na kahit ano 'pag tapos no'n.

The Demigoddess' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon