Chapter Twenty Eight

2.7K 84 2
                                    

The Glitch

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Lily at Scarlett. Nandirito ako ngayon sa labas ng gate ng Mercury University, dala dala ko ang iilan sa gamit ko.

“Will you be okay? Sumama na lang kaya ako? Or I can convince the Council na hindi ka paalisin.” saad ni Scarlett. Tinignan ko lang siya at pinunasan ko ang takas na luha sa mga mata niya.

It breaks my heart whenever I see my friends crying. Kagaya ko, alam kong ayaw din naman nilang nalulungkot ang isa't isa ng dahil sa amin. But we can not predict what will happen to us, all we can do is to be prepared.

“I'll be fine, Scarlett.” saad ko lang. Ayaw ko rin masyadong magsalita at magpakita ng emosyon lalo na't nandirito ngayon ang mga kaibigan ko.

Even Geo, he's here.

“Rory, ano ba kasing nangyayari?” napatingin ako sa nakakunot na noo ni Geo. Nakikita ko ang pagkuyom ng kamao nito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niyang nakakuyom.

I can feel and clearly see that he's mad. Kanina pa niya gustong malaman ang totoong nangyayari pero hindi ko masabi. It's weird na hindi niya alam, pero ang halos lahat ng estudyante ay alam ang nangyayari at ang naging nga akusasyon sa akin.

“Magiging okay din naman ang lahat, Geo. I just need to clear something.” pagpapaliwanag ko. Nagulat naman ako ng may humatak sa braso ko at itinabi ako sa kanya.

“We have to go. Nand'yan na ang sasakyan.” saad bigla ni Team Master Zean pero hindi siya nakatingin sa'kin. Diretso ang tingin niya kay Geo at halata ang talim ng titigan nila.

Maya maya pa ay bumuntong hininga si Geo at lumapit sa amin. “Take care of her.” saad niya at naglahad ng kamay.

Nalatingin ako kay Lily at Scarlett na ngayon ay tinitignan din at hinihintay ang sunod na mga mangyayari.

Ilang sandali pa ang lumipas ng biglang tinalikuran ni Team Master Zean si Geo at sa akin naman humarap. Isang mahinang tawa na may halong inis ang pinakawalan ni Geo ng dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Team Master Zean.

Maski ako ay nagtaka. Bakit parang galit si Team Master Zean kay Geo? Pakiramdam ko may kung anong namumuong tensyon sa kanila.

“Team Master, hindi niyo naman ho kailangang sumama. I'll be fine—”

“I said I'm going and that's final.” diretso niya lamang saad.

Sa totoo lang ay kanina pa kami nagtatalo dahil ayaw ko siyang sumama. He's the Team Master of Mages that's why he's needed in the University. Pero paulit ulit siyang tumanggi at pinilit na sasama siya sa akin. I understand na kahit papaano ay responsibilidad niya ako, ngunit mas dapat isipin niya ang kapakanan ng nakararami at ng mga nasa Team niya.

“Pero sino ang mamumuno habang wala ka?” tanong ko. Binuhat niya na ang kanyang gamit. Kukunin ko narin sana ang akin ng bigla niyang agawin 'yon at siya ang nagdala.

“I already told everyone that David and Mia are in charge. You have nothing to worry about.” saad niya.

Isa isa ng inilagay ang gamit namin sa isang itim na sasakyan. Muli kong nilingon ang pwesto nila Lily. Ngumiti ako sa kanila ni Scarlett. Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Scarlett dahil alam kong naiinis at nagagalit ito dahil inakasuhan ako sa isang bagay na alam nilang kahit kailan ay hindi ko naman kayang gawin.

And yes, I can't ever do that. Alam kong alam din ng babaeng nag akusa sa akin na hindi totoo ang ibinibintang niya. I am wondering why would she do such thing. Hindi ko naman siyang nakaaway at lalong wala akong atraso sa kanya. Or maybe tama ang hinala ko, siguro may nag-utos lang sa kanya. But I know I can't conclude just yet.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now