Chapter Twenty Nine

2.6K 83 4
                                    

Prisoner

Dahan dahang ibinaba ni Team Master Zean ang mga gamit namin sa sahig. Kakapasok lang namin sa isang makipot na kwarto. Simple lamang dito. Mayroong isang kama na kakasya lamang ang isang tao, kulay puti ang unan, kumot, at ang sapin.

Ang ceiling ay mayroong maliit na ilaw at gawa naman sa bato ang sahig.

Napatingin ako kay Team Master Zean ng inilabas niya ang iilang damit sa dala niyang bag. He look so calm and certain about things.

“T– Team Master,” tawag ko sa kanya. Sandali niyang tinignan ang iba pa niyang gamit bagi tuluyan akong hinarap.

“Hmm?” tangi niyang sagot. Akmang gagalawin niya ang dala kong bag pero agad ko siyang nilapitan.

“Ako na ho.” saad ko. Kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawa ko. Nandoon kasi ang sulat na nakuha ko noong nagising ako magmula sa pagkakawala ng malay. At some part of me, I don't want him to see it. Ayaw ko ng dagdagan pa ang mga problema.

Tumungo na lamang sa huli si Team Master. Dumiretso siya sa isang makipot na pintuan na doon ko lamang napansin. Binuksan niya ito at doon ko nakita na iyon ay isang maliit na palikuran. Pumasok doon si Team Master Zean at ng mawala siya sa paningin ko, doon ko lang napansin na nagpipigil pala ako ng hininga.

Isang marahas na hinga ang pinakawalan ko. Nanginig bigla ang tuhod ko at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Maliit na maliit ito kumpara sa kwarto ko doon sa Mercury University.

Kamusta na kaya sila Lily, Scarlett, at Geo? I hope they're doing okay. Sana ay hindi na sila makisali sa gulong ito. Ayoko ng madagdagan pa ang mga taong madadamay ng dahil sa problema ko. Muli akong napatingin sa pintuan ng palikuran kahit nakasarado pa ito.

And there's Team Master Zean, bukod sa akin, alam kong isa siya sa pinakamahihirapan sa magiging sitwasyon namin dito. I'm not that stupid not to know na malaki ang posibilidad na mangyari sa'kin ang mga pagpapahirap na ginagawa nila sa ibang tao kanina. I know na gusto lang akong protektahan ni Team Master Zean, and I am really thankful pero hindi ko maitatanggi na natatakot din ako para sa kanya. He might get hurt too!

Nabaling ang atensyon ko sa bag ko. Agad kong hinalungkat 'yon at hinanap ang papel. Agad ko namang nakita 'yon at binuklat.

Hope to see you again soon, Rory Deneen’

'Yon lamang ang nakalagay. Muli ko na lamang ibinalik ang papel sa aking bag. Napabuntong hininga ako. Naisipan ko narin na ayusin ang gamit namin ni Team Master Zean.

Sinipat ko ang pintuan ng palikuran at sinigurado na hindi pa lumalabas si Team Master Zean. Isa isa ko ng inilagay ang mga gamit namin sa dalawang kahon.

Maya maya ay iniayos ko na ang kahon at napansin ko na mayroong isang panyo na nalaglag. Kinuha ko ang puting panyo at binasa ang pangalang nakasulat doon.

Eritha Van.

Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang pangalang 'yon. Parang narinig ko na ngunit hindi ko maalala kung saan at kung kailan ko narinig.

Agad kong inilagay ang panyo sa kahon ni Team Master Zean. Narinig ko na dahan dahan na bumubukas ang pintuan sa palikuran. Agad akong nagtungo sa mga bag at iniligpit ito.

“Inayos mo?” pambungad na bati ni Team Master. Ngumiti ako sa kanya.

“Opo. Pasensya na kung pinakielaman ko ang gamit mo. Inayos ko lang siya at inilagay sa kahon na 'yon.” saad ko at itinuro ang kahon kung nasaan ang iilan sa gamit niya. Tumungo lamang siya.

Napahikab ako dahil nakaramdam na ako ng antok.

“You can sleep on the bed.” saad ni Team Master Zean ng siguro ay napansin at narinig niya ang paghikab ko.

The Demigoddess' SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon