Chapter Four

19.6K 514 5
                                    

Gods

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatingin lang sa kisame. Kanina pinapalit ko ang duguan kong bed sheet at may bayad itong 3 gold coins, nagtaka ang babae pero hindi narin ito nagtanong. Wala narin ang basag na salamin at pinalitan narin ito.

Para naman akong blankong nakatitig lang at wala sa katinuan. Nakikinig sa kung ano-anong bagay, ang ihip ng hangin, ang pagkanta ng mga ibon, ang pagbagsak ng mga dahon, at ang marahang paguusap ng mga tao sa ibaba ko ay naririnig ko. Isa pa ito sa mga ability ko, pero nagagawa ko lang ito kapag payapa ang paligid ko at mas focus ako.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang librong binili ko kanina. Tumayo agad ako sa pagkakahiga at tsaka kinuha ang libro. Nanginginig na umupo ako sa kama pagkakuha ko nito at dahang dahang binuklat ang mga pahina. Alam kong hindi ito ordinaryong libro, sa bawat paglipat ko sa pahina, may nararamdaman akong maliit na aura, hindi lang naman ang mga tao ang may aura dito sa mundo ko, pati ang ibang bagay, lalo na kapag ang gumawa nito ay talagang binuhos ang lahat para magawa ang partikular na bagay na yun. Bawat paglipat ko nang pahina, ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko. Iba't ibang kwintas ang nakikita ko, may mga imahe at mga impormasyon kung saan ito nagmula. Makapal ang libro, sa tansya ko, nasa walong raan ang pahina nito, wala nga lang nakasulat na Page number pero walong raang pahinga  pahina ang tansya ko rito.

Habang mangha manghang patingin tingin ko sa mga larawan ng iba't bang kwintas, hindi ko namalayan na sa susunod na pahina, nandun na ang hinahanap ko.

Pagkabuklat ko nito, tumambad agad sakin ang tatlong necklace.

Isang Asul, Berde, at sobrang itim na Necklace. Magkakumukha ito ngunit magkakaiba ang kulay. Isa-isa kong binasa ang impormasyon na nakasulat tungkol dito.

Blue Nacklace Of Death- Ito ang kwintas na pagmamay-ari ng Diyos ng kalangitan, si Zeno (zi-no). Ang Diyos na kayang lumika ng kulog at kidlat, bagyo at delubyo, pati na ang malakas na ulan na kayang pabahain ang mundo.

Green Necklace of Death- Ito ang kwintas na pagmamay-ari ng Diyos nang mga elemento, si Zill. Ang Diyos na kayang gumawa ng Ipo-Ipo't tsunami, ang Diyos na may kontrol nang paggalaw ng lupa at maski ng tubig, pati na ang malakas na lindol na kayang wasakin ang mundo.

Black Necklace of Death- Ito ang kwintas na pagmamay-ari ng Diyos nang Dilim, si Zathan (za-tan). Ang Diyos ng Buhay at Kamatayan, ang Diyos na kayang balutin ang mundo sa kadiliman at ang Diyos na kayang patayin ang lahat mg may buhay sa mundo.

Bahagya akong napatigil sa pagbabasa at dahan dahang inintindi ang mga binabasa ko. Hindi ko alam ang tungkol sa tatlong Diyos na ito, walang kahit sino na nagbanggit sa akin nang ganitong impormasyon, maski si lolo Enn, walang sinabi sa akin. Huminga ako nang malalim at tsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Paano nabuo ang tatlong pinaka-makapangyarihang kwintas sa sangkatauhan?

Nakasaad sa libro na, noong unang panahon, ang tatlong Diyos na si Zeno, Zill at Zathan ay matalik na magkakaibigan. Kahit na alam ni Zeno at Zill ang kasakiman ni Zathan, nagtiwala parin sila rito na hindi sila nito lolokohin dahil nangako ito. Tumagal ang pagkakaibigan nila hanggang sa naisipan nang tatlo na pagsama samahin ang kanilang mga kapangyarihan at gumawa nang mga kwintas na maaaring makapag palakas pa sakanila. Ang una nilang ginawa ay ang kwintas ng Diyos ng kalangitan, si Zeno. Tinutok nila ang kanilang mga sandata sa isang sagradong asul na dyamante at binigyan ito nang kapangyarihan. Ang pangalawang ginawa ay ang kwintas ng Diyos ng mga elemento, si Zill. Inilagay nila ang sandata nila sa isang sagradong berdeng dyamante at binigyan ito ng kapangyarihan. At ang huli, ngunit ang pinakamalakas sa lahat, ang itim na kwintas na ginawa nila sa sagradong itim na dyamante na pagmamay-ari ng Diyos ng dilim, si Zathan, kagaya ng ginawa sa iba, itinutok nila ang mga sandata nila dito at sinimulang bigyan ng kapangyarihan. Matapos ang ritwal na kanilang ginawa, sinuot nila ang mga kwintas at laking gulat nang mga Diyos na ang kwintas ni Zathan ay lumiliyab at nababalot nang sobrang tinding kapangyarihan, nagtaka sila dahil dapat ay pantay pantay lamang ang kapangyarihang hawak nang mga kwintas, huli na nang malaman nila na ang itim na Dyamante pala ay ang pinakapinagbabawal na dyamante, hindi nila ito alam dahil ang alam lamang nila at ang sabi lamang sakanila ni Zathan na ito'y isang sagradong itim na Dyamante lamang, nasasabing kaya hindi naramdaman ng mga Diyos na sina Zeno at Zill ang lakas ng dyamante ay dahil hinigop ito ni Zathan at itinago hanggang sa kwintas na niya ang gagawin. Sa takot nang dalawang Diyos sa maaaring mangyari at sa kapangyarihan ng taksil na si Zathan, nilabanan nila ito bago pa ito magtagumpay sa binabalak na pagsakop nang sangkatauhan. At doon, nagsimula ang digmaan ng tatlong Diyos. Nabalot ng takot ang sangkatauhan nang magsimula ang digmaan. Alam ni Zeno at Zill na hindi sasapat ang kapangyarihan nila kung lalaban sila ng paisa-isa kaya nagtulong sila upang matalo ang napakalakas na si Zathan at sa abot ng makakaya nila, nilabanan nila si Zathan ng buong lakas at sa huli, nagtagumpay sila. Matapos ang digmaan, naglaho na ang dilim kasabay ng itim na kwintas na kahit kaila'y hindi na muling nakita pang muli. Ngunit, bago pa man mamatay si Zathan, winika nito sa mga Diyos na: "Balang araw ay ipapanganak ang papatay sa inyo, ang magtutuloy sa aking plano, balang araw ay babalutin parin ng dilim ang mundo, at balang araw, masisilayan niyo ang katapusan nang sangkatauhan, at ang gagawa ay ang anak ko. " at ang mga salitang iyon ni Zathan ang nagpanatili sa isip at kaluluwa ng mundo na hindi siya namatay, siya ay buhay at ipapanganak ulit sa ibang katauhan.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now