Chapter Eleven

14.2K 464 15
                                    

Final Test

Nagising ako ng makarinig ako ng sobrang lakas na tunog ng bell. Napatayo agad ako sa kama at lumabas ng pintuan. Halos nabulabog rin naman ang mga kasamahan ko kaya nakita ko rin silang lahat sa pintuan.

"Ito na." sabi ni Geo na halatang nine-nerbyos. Napabuntong hininga naman ako tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.

May bigla namang dumating na maid at sinabing sundan namin siya kaya ginawa nga namin. Dinala niya kami sa isang maliit na arena ma medyo madilim dahil kakarampot lamang ang ilaw nito and may mga nakasabit na sandata sa gilid nito.

"Welcome sa Arena of Death." halos bumawi naman ako ng hininga. Kagigising lang namin tapos ito na agad ang bungad sa amin?

"Pasensya na kung masyadong maaga ang tests ninyo, nagkaroon lang ng adjustments," sabi ni Sire Adolfo.

"Pero, ito parin naman ang kahaharapin niyo kahit hindi magkaroon ng adjustments," sabi nito tsaka bahagyang tumawa. Lahat naman kami ngayo'y wala sa mood na makipag biruan. Wala rin namang nakakatawa sa sinabi niya.

"Hmm, uumpisahan ko na ang pagpapaliwanag. Ang mechanics ng test na ito ay kailangan niyo lang manatiling humihinga sa loob ng ring na 'yan," tsaka niya itinuro ang maliit na squared-shape na ring. Wala itong harang sa gilid. Simpleng parisukat na batong stage. "...kapag lumabas din kayo sa ring na yan habang naglalaban kayo, automatic na talo na kayo. At alam kong hindi niyo gugustuhing malaman ang mga susunod na mangyayari kung ganoon man ang maging sitwasyon ninyo," huminto siya sandali sa pagsasalita at tumingin sa'min. Yung tingin na parang nagbabanta ito at nagpapaalam. Hindi ko maintindihan.

"In short, this test is a game for your own life. May mga makakalaban kayong iba't ibang tao sa loob ng arenang 'yan, dito sa loob ng bowl na ito kayo bubunot ng makakalaban," tsaka niya ipinakita ang maliit na bowl at may laman itong mga papel.

"Wag kayong mag-alala dahil mga prisoners ng secret town ang mga makakalaban ninyo kaya hindi niyo kailangang manghinayang o maawa sakanila, dahil maski sila ay hindi maaawa o magdadalawang isip na patayin kayo." sabi niya kaya bahagya namang napa atras ang mga kasamahan ko at ako naman ay kinilabutan. So, this is really it?

"Sige na, umpisahan na natin. Bumunot na kayo." sabi niya tsaka lumapit sa amin at isa isa na kaming bumunot.

"Isa pa pala, hindi niyo makikita kung anong nangyayari sa game, ang hindi pa makikipaglaban ay ilalayo muna sa lugar na ito at kung mabubuhay mam kayo, magkikita kita kayo sa labas ng Lugar na ito." ibig sabihin tapos na ang test kapag nanalo kami dito?

"This is the last test everyone. So, all of you, do your best and goodluck. Maaari niyo nang tignan ang mga nabunot ninyo.

Agad kong binuksan ang nabunot kong papel at binasa ang nakasulat dito, 2- Vino Alfred, 'Yan ang nakalagay na pangalan sa hawak kong papel.

"Sinong nakakuha ng number 1?" Tanong ni Sir Adolfo. Nagtaas naman ng kamay ang isang lalaki.

"Sige na, magsimula na kayo." sabi niya at tumapak na ang lalaki sa maliit na squared-stage.

"Sumunod kayo sa akin." saad ni Sir Adolfo at nagsimula na kaming magtipon tipon at sabay sabay na lumabas at iniwan ang lalaki sa lugar na 'yon.

~

Nasa isang kwarto kami ngayon, katahimikan lamang ang naririnig namin. Ano na kayang nangyayari sakanya? Hinawakan naman bigla ni Geo ang balikat ko kaya napatingin ako sakanya.

"Rory, wag kang masyadong seryoso, nagmumukha kang baboy." sabi nito tsaka ngumisi.

"Ewan ko sa'yo." sagot ko lang sa kanya dahil ninenerbyos ako sa kung anong pwedeng mangyari. Pinisil niyang bigla ang pisngi ko, "Joke lang." sabi niya at pilit na iningiti ang mga labi ko. Natawa naman ako dahil nag- make face pa siya para maging totoo ang ngiti ko.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now