Chapter Nine

14.1K 465 13
                                    

Escape

 Naalimpungatan ako ng naramdamam 'kong huminto na ang sasakyan namin kaya napadilat ako. Halos lahat yata kami'y nakatulog sa byahe. Medyo maliwanag narin, siguro mga limang oras ang byahe nmin.

Tinignan ko ang bintana at para kaming nasa kagubatan.

"Nandito na tayo." sabi ng babae sa harapan namin.

"Pwede na kayong bumaba." dagdag pa niya.

Isa isa naman kaming nagsitayuan at inayos ang gamit tsaka bumaba. Halos malula kami sa taas ng bakod na bakal na nasa harapan namin. This place looks like hell. Nasabi ko sa isip ko.

Pinapila naman kaming maayos bago pumasok, pagkapasok namin sa pinto, halos lahat ng balahibo ay nagsitayuan.

"This is insane." rinig kong bulong ni Geo.

Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko, sobrang nakakatakot sa lugar na ito. Madilim, tahimik, at tanging ang mga yapak lamang ng sarili ninyong mga paa ang maririnig. Maya-maya pa'y natigilan kaming lahat sa paglalakad ng may malakas kaming ingay na narinig. Napahawak ako kay Geo ng maramdaman kong gumagalaw ang lupa. Lumilindol ba?

Halos ang lahat ay natumba sa panandalian lindol, biglang bumukas ang napakalaking batong harang at iniluwa nito ang napakalaking arena. Halos napigil ako sa paghinga, this is really insane.

Sinundan namin ang mga nasa unahan na ngayo'y tumapak na sa arena. Pagkatapak ko ng arena, naramdaman ko ang mga halaman at ang sobrang lakas na ihip ng hangin. Napatingin ako sa itaas at nakakita ng malalaking wire. Yung wire na kapag hinawakan mo ay paniguradong makukuryente ka at matutusta ka sa lakas ng pagkakakuryente nito sa katawan mo. Napatingin naman ako sa gilid ng arena, mayroon itong parang iba't-ibang pintuan na nakasarado. Sa paglalakad, ramdam ko rin ang kakaibang itim na atmosphere sa buong paligid.

Napahinto kami ng biglang may tumayong lalaki sa pinakaharapan namin, tumuntomg ito sa isang malaking bato.

"Welcome sa Arena of Hell." halos mapa atras naman ang mga nasa harapan ko. Ang iba nama'y halos naluluha na sa sobrang takot. Hinawakan naman ako ng mahigpit ni Geo sa kamay at ganon din ako.

"Wag kayong matakot. Madali lang ang magiging test ninyo." sabi nito tsaka bahagyang ngumiti. Isang ngiti ng taong hindi karapat-dapat na pagkatiwalaan.

"Ang test niyo ngayon ay ang tinatawag na 'scape from the hell'." bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko.

"Madali lang ang mechanics ng test, o tawagin na lang nating 'game', nakikita niyo ba ang mga pintuang 'yan? Nakapalibot ito sa arena hindi ba? Kada pintuan, isang tao lang ang pwedeng pumasok. Kailangan niyo lang hanapin ang mga pintuang 'yan at makalabas. Kapag hindi niyo nagawa iyan sa loob ng 30 minuto, sasabog ang arenang ito at sinisigurado ko sainyo na walang makakaligtas. Kumbaga, ang mga pintuang 'yan ang safe zone." sabi nito.

Halos magsiiyakan naman ang mga kasama ko sa arena, halata mong nababalot sila ng takot, isang takot na kumakain sa lahat ng tapang na meron ka sa iyong sarili.

Ramdam ko naman ang paghigpit ng hawak ni Geo sa mga kamay ko. Nginitian ko lang naman siya,

"Kaya natin 'to." sabi ko sakanya at muling ininaling ang tingin sa lalaki.

"So, magkita-kita na lang tayo sa likod ng mga pintuang 'yan. At tandaan ninyo, hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo." sabi nito at tuluyang bumaba sa malaking bato at umalis.

Naiwan naman kaming lahat sa loob ng arena. Halos magsigawan lahat ng bigla na namang lumindol at dumilim. Nabitawan ko ang kamay ni Geo dahil sa lakas ng paglindol.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now