Chapter Thirty Six

2.3K 69 12
                                    

Promise

Bigla akong napadilat. Tinignan ko ang paligid pero tahimik parin. Kinusot ko ang mga mata ko dahil medyo nanlalabo.

Bakit wala parin si Zean?

Tinignan ko ang orasan at magaalas onse na ng gabi. Doon naman nagsimula ang unti unting pagbuo ng kaba sa aking dibdib. Tumayo ako upang sana ay tignan ang iba pang suloo ng kwarto. Kahit maliit lang ito, umaasa parin ako.

Lumapit ako sa palikuran at kinatok ang pintuan. "Z- Zean, nand'yan ka ba?" tanong ko. Nang matapos ang ilang segundo na walang sumasagot, muli akong kumatok. Maya maya pa ay napagpasyahan kong buksan ang pinto.

Walang tao. I sigh heavily. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Ang huling balita ko pa sa kanya ay noong nagpaiwan siya at maguusap sila ng Supremo. I felt my hand shaking lightly. Umiling iling ako dahil sa mga pangit na naiisip ko.

Siguro ay naguusap parin sila. Walang nangyaring masama kay Zean, sigurado ako. Hindi siya pwedeng masaktan dahil hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko. Kapag may nangyari sa kanya, hindi kakayanin ng kunsensya ko.

Pabalik balik ako sa kwarto dahil pilit kong inaalis ang naiisip ko na may nangyari sa kanyang masama.

"P-Please Zean, be saf-" muntik pa akong mapatalon sa gulat ng may malalakas na katok ang narinig sa pintuan. Napakuyom ako ng kamao dahil sa hindi malamang dahilan ay sobra akong kinabahan. Si Zean kaya 'to?

Lumapit ako sa pintuan at akmang bubuksan sana ito pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ito nagsasalita.

"S-Sino 'yan?" tanong ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala paring nagsasalita. Baka imahinasyon ko lang na may kumatok?

Maglalakad na sana akong palayo ng biglang mayroon na namang kumatok.

"Deneen." diretso nitong sagot. Kumunot ang noo ko pero nabobosesan ko siya. Unti unting gumaan ang loob ko ng tuluyan kong buksan ang pintuan at nakita si Zean.

His eyes are different. Parang maaliwalas ito. Mayroon ding malaking ngiti sa kanyang labi. Kahit nagtataka ay ngumiti ako pabalik sa kanya. Magagaan ang kanyang hakbang papasok ng kwarto. Isinarado ko na ang pintuan at hinarap si Zean.

Kahit papaano ay gumanda na ang pakiramdam ko dahil nakita kong maayos ang lagay niya. Bigla siyang naupo sa kama at parang bata na itinalon talon ang kanyang pang upo.

"Ganito pala 'to katigas." saad niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Nakapagtataka ng kaunti ang mga kinikilos niya, o marahil ay masyado lang akong nagalala sa kanya kaya kung anu ano ang iniisip ko?

Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya. "K-Kamusta naman ang pag-uusap niyo ng Supremo?" tanong ko. Sa sandaling 'yon ay natigil siya sa kanyang ginagawa. Tumitig siya sa aking mga mata dahilan para medyo mapaatras ako.

Kinabahan akong bigla sa titig niya. Dahan dahang siyang ngumiti. "Gusto mong malaman?" tanong niya. Walang anu ano'y agad akong tumungo.

Itinapik niya ang tabi ng kama na senyas na tabihan ko siya sa pag-upo.

"Halika rito." saad niya. Inilahad niyang bigla ang kamay niya at ipinakita sa akin ang matamis niyang ngiti. Agad akong napangiti at inabot ang kanyang kamay.

At sa oras na nagdampi ang aming mga palad, biglang dumilim ang paligid at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa sahig. I felt Zean's hand touching my waist. Ramdam ko ang pagbuhat niya sa akin hanggang sa kama.

I try opening my eyes but I feel so weak. What happened?  Dahan dahang tumaas ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mabigat na katawan ni Zean na pumaibabaw sa akin. Slowly and gently caressing mga shoulders down to my palms.

The Demigoddess' SecretWhere stories live. Discover now