Chapter 2 - Failed Attempts

5.1K 210 46
                                    

CHAPTER 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 2

FAILED ATTEMPTS


Sab's POV


I can't remember the first time I tried to find true love. Basta ang alam ko lang, ilang beses ko nang sinubukang maranasan iyon ngunit kahit anong gawin ko, fail pa rin talaga.


Grade One


"Gusto mo nitong baon ko?" pagaalok ko sa bagong crush ko.

He looked at my lunch box and nodded. "Oo ba."

"Sa'yo na 'to pero may kondisyon." I smirked. "Simula ngayon, boyfriend na kita."

"Huh? Boyfriend? Ano 'yon?"

"Basta! Pumayag ka na lang!"

"Okay." Kinuha niya na ang doughnut na baon ko at kinain na iyon.

"YAY!" I sat beside him and smiled widely.


Maya-maya ay may lumapit sa kanyang kaklase namin at inalok siya ng cake. Nagulat ako nang tumayo siya at magkahawak kamay silang umalis.

That was the first time I got cheated on.


Grade Three


"Sab, tara laro tayong tumbang preso."

"Magbahay bahayan na lang tayo. Ako mommy, ikaw daddy," pagaalok ko sa crush ko.

"Ayoko nga. Pambabae 'yan e!"

"Hindi ah! Para sa lahat kaya 'yon! Bale ganito. Kunwari pagluluto kita tapos yayakapin mo ako sa likuran kasi ganon mga mag-asawa 'di ba---"

"Bahala ka nga diyan, maghanap ka ng kalaro mo!"


I watched as he approached the valedictorian in our class. Pumayag naman agad ito at naglaro na sila ng tumbang preso.

Tumingin ako kay Marina at huminga nang malalim. "Ilista mo nga sila sa noisy. Kaimbyerna."




Grade Six



"BIlis na kasi, mag-date na tayo! 'Yon ang uso ngayon!" pagpupumilit ko sa crush ko.

"I don't do those things. That's lame." Grabe naman bangs nito, takip na sa buong mukha. Sabagay, emo nga pala siya.


"Anong gusto mo?"

"Blood sacrifice, men. Angas no'n."

"Anong maangas sa pagsugat sa sarili?"

He just looked at his black nails while I tried to process what he just said.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon