Chapter 23 - Worried

2.1K 87 16
                                    

CHAPTER 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 23

WORRIED


Sab's POV


"Ano kayang maganda? Rabrab if it's a boy? Sasell for the girl? Hmmm..." Kinagat ko ang dulo ng ballpen at tinitigan maigi ang notebook ko na kanina ko pa sinusulatan ng mga pangalang naiisip ko.

"What are you doing?"

Iniangat ko ang tingin ko kay hubby na umupo sa tabi ko habang pinapaikot ang bola ng basketball sa isang daliri. Nandito kami ngayon sa gym for their practice game, may laro kasi sila laban sa ibang school on friday. Wala naman siyang inuutos sa akin kaya nakaupo lang ako dito sa bleachers, hinihintay na matapos siya.


I grinned and showed him my notebook. "Nagiisip lang ako ng names ng magiging mga anak natin. Pinagsasama ko 'yung pangalan nating dalawa, hehe. May suggestions ka ba?"

"Anak natin?"

"Oo. Ilan ba gusto mo? Dalawa lang or only child like me? Parang bet ko kapag marami. Ang saya siguro kapag may kapatid."

He bit his lower lip but did not say a word. Nakatingin lang siya.

"Tsaka ask ko na rin, kailan mo ba gustong magkaanak?" bulong ko upang hindi marinig ng iba. "Now na ba? Ready naman ako."


Napailing na lang siya at bumaling na ulit sa team mates niya. Then he ran towards them and joined the game again when their coach whistled. Ngumisi ako at pinanuod kung paano siya maglaro. He's really good, panay tres ang puntos niya at hindi maagaw agaw ng kahit sino ang bola kapag hawak niya ito.

I stopped what I was doing to watch him more. Tagaktak na ang pawis niya at ang gulo ng buhok ngunit sobrang hot pa ring tingnan.

Paano ko nga ba ulit naging asawa ito? Char! HAHAHHA


I giggled at my own thoughts. Dahil sa pagtawa sa sarili ay napansin kong tumigil sa pagtakbo si Ron at tinaasan ako ng kilay. I just smiled and waved at him. Kumaway siya pabalik bago naglaro at nag-shoot ng bola.

I was about to clap my hands when I noticed Russell's piercing eyes on me. Napadiretso ako ng upo at agad kong inalis ang ngiti sa labi ko. I just looked down on my notebook and pretended I did not see him.

Shet.


Natapos rin agad ang laro nila kaya naman lumapit na ako kay Russell at inabot ang pamunas niya.

"That was a nice game!" bati ko sa buong team. Sumangayon rin ang iba pang mga assistants. We enjoyed it. Kahit practice lang iyon ay halatang ganado sila.

Si Lucas lang yata ang matamlay. I looked at him and he walked straight to the locker room. Nakayuko at tila pagod na pagod. Nakasunod din ang mga mata ni Russell dito.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon