Chapter 21 - Selfie

1.8K 96 16
                                    

CHAPTER 21

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 21

SELFIE

Sab's POV


"H-huh?" gulat na tanong ko. Tama ba ako ng pagkakarinig?

Umigting ang panga ni Russell at umiwas ng tingin sa akin. "Clean the court now." He glanced at me for a second before he directed his gaze to his friend. "Ron, usap tayo."

Tinagilid ni Ron ang ulo niya na tila nagtataka siya sa inansta ng captain niya ngunit nag-jog rin naman palapit dito. Russ said something to him and they both left the room.


Tulala at gulantang pa rin ang buong pagkatao ko habang iniisip ang sinambit niya kanina.

Nanaginip ba ako ng gising? Hallucination ba 'yon sa sobrang pagkapagod?


Ngumisi ako at humagikgik nang mapagtantong nagiging crush na ako ni hubby. "Mwahaha! Sabi na eh! You'll fall into my charms!"


Masaya kong kinuha ang broom stick at ang mop bago nagsasayaw papunta sa basketball court. Pagod na ako pero ayos lang, kung kapalit naman pala nito ay ang pagpapakilig sa akin ni Russell, aba kahit buong campus pa ang linisin ko, keri lang!!!

"Sa kanya lang daw ako? Shet! Iyong iyo na talaga, matagal na!" Tumawa na naman ako at nagwalis na.


Ilang minuto ko ring kinakausap ang sarili hanggang sa pumasok ng court si Russell. Galing siya sa labas, akala ko ay nasa locker room siya o 'di kaya sa office.

I waved my hand at him but he just plainly looked at me. Umupo siya sa bleachers at may isinulat sa notebook. I guess it's about his team's game plan.

Gusto kong lumapit ngunit mukhang masungit pa siya at ayokong mapagalitan kaya kinagat ko na lang ang labi ko at tinapos ng mabilis ang pagwawalis. Excited kasi akong umupo sa tabi niya, hehe.


Kahit paubos na ang energy ko ay masigla pa rin akong nag-mop. Pasulyap sulyap ako sa kanya at ilang beses ko siyang nahuhuling pinagmamasdan ako. He'll look back at his notebook each time I catch him staring. Sows! Hulog na hulog sa ganda ko!


"Tama na 'yan!" He suddenly shouted. Wala pa sa kalahati ang nama-mop ko kaya umiling ako.

"Tapusin ko na! Onti na lang naman!"

"Itigil mo na sabi!"


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon