Chapter 34 - Caught

1.9K 62 8
                                    

So sorry it took me a while to continue with the updates. I had to finish my manuscript first hehehe. But here it is, enjoy :)

 But here it is, enjoy :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 34

CAUGHT


Sab's POV


I woke up a little sweaty. Nagtaka ako dahil ang pagkakaalala ko ay may aircon naman dito sa kwatro ni Russell unless nagtitipid siya kaya pinatay niya habang natutulog ako.

Minulat ko na ang mga mata ko at magrereklamo sana dahil init na init na talaga ako nang mapagtanto kong nakadaghan sa akin ang boyfriend ko.

Psh. Kaya naman pala ako pinagpapawisan ay dahil hinarangan niya na lahat ng hangin!


"Hubby, usog ka muna..." Tinapik ko ang braso niya ngunit hindi siya gumalaw. Mukhang ang himbing ng tulog niya. Dahan-dahan ko na lang inalis ang braso niya at ang hita niya sa akin kaso naramdaman kong ang init ng katawan niya. I touched his forehead and compared it with mine.

Hala, ang init niya!


"Russ, nilalagnat ka yata!" pagpa-panic ko. Was it because of yesterday? Dahil naulanan siya noong hinanap niya ako?


Agad akong umalis ng kama at kinumutan siya dahil mukhang nilalamig siya. He hugged one of his pillows.

Shet. Anong gagawin ko? Hindi naman ako magaling magalaga ng may sakit! Ako nga ang laging inaalagaan sa amin!


"No, Sab. Kaya mo 'yan. You're not a child anymore. Dapat you can take care of your boyfriend." Tumango tango ako at kinuha ang phone ko. Hininaan ko muna ang aircon bago ako lumabas ng kwarto niya at bumaba papunta sa kusina. Magsi-search ako kung paano magalaga ng pasyente.


Umupo ako sa isa sa mga upuan sa kusina at naghanap ng videos kaso bigla namang tumawag si Marina.


"S, hapon na. Hindi ka pa ba babalik dito sa dorm?"

"M!!! Help!"

"Hoy bakit?! Anong nangyari? Are you okay?"

"Si Russell, may lagnat! Ano ba dapat kong gawin!

"Bwiset ka. Akala ko naman napano ka!"

"Hindi ako pero si Russell nga! Ano ba 'yan, hindi nakikinig!"

She groaned. "Leche. Nakuhanan mo na ba siya ng temperature?"

"Ay hindi pa. Teka."


Hinanap ko ang first aid kit ni Russ sa CR at dali-dali akong umakyat sa taas. While waiting, Marina told me some things I have to do. Mabuti na lang talaga nakausap ko siya, atleast nagka-idea ako.


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon