Chapter 35 - Rumors

1.7K 61 7
                                    

CHAPTER 35

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 35

RUMORS


Sab's POV


"Hihihi!" Humahagikgik pa ako papasok ng campus habang tinitingnan ang binili kong ice cream cake para kay Russell. Sigurado akong magugulat siya dito sa surpresa ko dahil wala namang okasyon pero may regalo ako.

Ang akala niya sa mga oras na ito ay nasa klase pa ako pero ang hindi niya alam ay maaga kami pinauwi kaya nagkaroon ako ng time lumabas saglit.


"Ang ganda ng ngiti natin ah." Iniangat ko ang tingin ko upang malaman kung sino ang nagsalita. Ron smiled at me as he approached me.

"Uy hello!"

"Musta?"

"Okay lang naman, maganda pa rin ako hehe."

Inayos ko ang hawak ko sa cake box kaya napatingin siya doon. "Sinong may birthday?"


"Ah wala 'to, nag-crave lang ako sa cake." Kahit hindi ako kasing talino ni Russell o ni Marina, syempre may common sense pa rin naman ako. I know that if I admit to Ron that this is a random gift for my boyfriend, he'd probably feel sad or envious. "Oo nga pala Ron, hindi ako nakapagpasalamat sa'yo sa pagligtas sa akin. I owe you one."


He pinched my cheek. "Anything for my childhood love."

I nervously laughed. Love ba talaga sinabi niya o Sab?


I suddenly heard camera shots. I think it was from the group of students near us.

Did they just take pictures of me and Ron?


"F*cking hell---" Kukumprontahin niya yata ang mga iyon kaya hinawakan ko ang balikat niya.

"Hindi na Ron. Hayaan mo na sila."


"But they'll create rumors again! Lahat na lang gagawin nila para masira pangalan mo. Have you been reading their comments online? Sobra na sila magsalita dahil lang sa hindi mo ma-meet ang standards nila bilang girlfriend ni Russ. At itong si Russell naman hindi ka man lang maipagtanggol!"


"He doesn't do social media that much, you're aware of that. Tsaka hindi ko naman pinapansin ang mga 'yon. I would defend myself if they're over the line, pero kaya ko pa naman. Inggit lang ang mga 'yon kasi ako ang nagwagi."


"Still, you shouldn't just let them say those horrible words. And they also can't just take a picture of you without your consent!"

"Ayoko lang bigyan ng problema sila Russell at Marina. Kapag napaaway na naman ako, sakit na naman sa ulo 'yan. Just let it go, okay?"

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon