Chapter 31 - Proud

1.9K 79 13
                                    

CHAPTER 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 31

PROUD


Sab's POV


"Let's go Brooklyn High Tigers!" rinig kong sigaw ng mga tao sa bleachers. I watched as they clapped their hands and jumped out of joy each time the team shoots the ball.


Nilingon ko na ulit si Russell at masayang pinanuod ang paglalaro niya. Abot hanggang tenga ang ngiti ko lalo na't naaalala ko na naman ang nakaw na halik niya kanina.

Pucha, 'yan ba talaga ang jowa ko? Totoo na 'yan Lord ha! Wala ng bawian please! 'Di ka na po pwedeng magbago ng isip kasi hindi ko na 'yan pakakawalan!


Humagikgik ako at nakisigaw na rin. "Go hubby!!! I love you!" Sumobra yata ang lakas ng sigaw ko dahil halos lahat ay napatingin sa akin maging ang nanay ni Russell. Sila Manager Lee at coach ay napailing na lang kaya tumawa ako at nagkamot ng ulo.

"Oops. Hehe."


Russ looked at my way and winked. Hindi siya ngumiti ngunit sapat na iyon para magwala ako. Nagpapadyak ako sa kilig habang si Marina naman ay pinalo ako sa braso.

"Hoy, ano 'yon? Bakit may pag-kindat sa'yo si Russell?"

"E kasi, ganito 'yan... Kami na M! Boyfriend ko na siya! Operation Seducing Russell has been completed successfully!"

"ANO?!" Napatayo pa siya sa gulat. I pulled her back to her seat.

"Wag ka munang maingay! Baka ma-distract si Russ!"

"Shet ka! Seryoso ba? Sinagot mo na siya?"

"More like nag-decide na siya na kami na at sumangayon na lang ako," hagikgik ko. "M, kiniss niya ko kanina!"


Sinampal niya ako ng pabiro kaya tawa ako ng tawa. "Isa pa nga M, para masigurado kong hindi ako nananaginip!"

She slapped me again but this time it was harder. Talagang tinodo niya kaya napanganga ako. "HEY, THAT WAS PERSONAL!"

Ang gulo gulo naming dalawa habang ini-interrogate niya ako. Halos hindi niya na nga panuorin ang game kakakulit sa akin habang ako naman ay sinasagot lang ang mga tanong niya. My eyes are following Russ wherever he goes.


Nang mag-time out ay agad akong tumayo at tumakbo palapit kay Russell. He sat on his chair and drank water while staring at me. Pigil na pigil ako sa pagngiti habang nagtititigan kaming dalawa.


"May kailangan ka?" bulong ko dahil may sinasabi sa kanila si coach. Ngumuso siya nang kaunti kaya naman kinagat ko ang labi ko.

Pereng tenge! Gusto ng kiss!


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon