Chapter 27 - Suitors

2.2K 82 15
                                    

CHAPTER 27

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 27

SUITORS


Sab's POV


I woke up with a throbbing pain in my head. Napaungol ako sa sakit at umupo hawak hawak ang ulo ko.

"What the heck? Ito ba 'yung hangover na sinasabi nila?" I groaned as I slowly sat. Why do people like drinking alcohols if they're going to feel this horrible afterwards? Gusto kong masuka at ipukpok ang ulo sa pader.


Bahagyang natigilan ako nang mapansing wala ako sa dorm ko. Gray walls with white curtains greeted me. I immediately panicked and the first thing that came into my mind is to look at my body.

"Whooh. Kala ko hubad na 'ko." Humagikgik ako at natawa sa sarili. Ganito kasi 'yung mga scenes sa movies. Tipong nagigising 'yung bida galing sa pagkalasing tapos walang suot na damit at may katabing gwapo.

Agad akong lumingon sa gilid ko at nadismayang walang gwapo doon. Anebeyen!


I sighed and stood up, still annoyed by the stupid headache. Bumaba ako nang hagdanan at nahanap agad ng mga mata ko si Russell na natutulog doon sa sofa. Yakap niya ang isang unan at nakakumot siya hanggang sa bewang. Ngumuso ako at lumapit sa kanya.

"Pwede namang tabi na tayo kagabi, mag-asawa naman tayo. Bakit dito ka pa natulog?"


I sat on the carpet and watched him sleep peacefully. Unti-onti ko namang napagtantong wala akong masyadong maalala kagabi. I remember going here in his apartment last night but I don't recall how I ended up on his bed upstairs.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang pilit inaalala kung ano ang maaaring mga nangyari.


"AHHHH!" sigaw ko kaya napabalikwas si Russell mula sa pagkakahiga.

"WHY? WHAT HAPPENED?"

"Oh my gosh, hubby! Panagutan mo 'ko!" Tumayo ako at umiling. "I know I told you I like you but you should have controlled yourself yesterday! Grabe ka, ang halay mo kagabi!"

"Ano?" gulat na tanong niya. "What do you mean?"

I raised an eyebrow at him and crossed my arms. "Hindi mo ba 'ko inano? I mean... wala ka bang ginawang... kakaiba?"

"Kakaiba?" Umayos siya ng upo at inayos ang magulong buhok niya habang nakatingin sa akin. He looked so damn fine, by the way. Ahem, Sab! Wag ma-distract!


"Oo, alam mo na... nag ano ba tayo?" I demanded and he just frowned. Hay nako, kailangan ba talagang sabihin ko pa? "Aminin mo na kasi kung nag-honeymoon na tayo. Ayos lang naman sa'kin kaso hindi ko maalala ni katiting kaya i-replay na lang natin today para naman ma-register sa memory ko. Ano, game?"


Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon