Chapter 45 - Happiness

2K 73 3
                                    

CHAPTER 45

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 45

HAPPINESS


Sab's POV


It was chaotic. Tumaas ang boses ni Papa lalo na nang ginatungan iyon ng tatay ni Simeon.

"Kasi naman, hinayaan mo ang anak mong lumipad doon na walang kasama kung hindi ang pinsan niya! Tingnan mo ngayon pare, kung ano ano ang ginagawa ng unica ija mo na hindi mo alam! You shouldn't have let her live in Brooklyn unsupervised!"


Napailing ang tatay ko at halatang disappointed na disappointed sa akin.

"Hindi ko inaakalang magagawa mo ito, Sab. All this time, I trusted you and Marina to always make the right decisions! Malaki ka na, dapat alam mo na ang tama at mali!"


I let out a frustrated groan. They're making it sound as if I've been doing naughty things with Russell. As if naman! Hanggang biro lang ako noh!


"It's not like that! Russ is a real gentleman! He did not do whatever it is you're all thinking right now!" I tried to defend hubby but even Kuya Milo told me to back down.

"Tito please. Let us explain," Russell interfered.

"Explain? At paano mo maipapaliwanag ang pagtulog ng anak ko sa kwarto mo?! Wala ka bang mga magulang para pagbawalan kayo?!" He then turned to me. "Sinasabi ko na nga ba't hindi talaga magandang idea na nagpunta kang ibang bansa, Savannah! That's it! You're not going back to Brooklyn anymore!"

My eyes widened in shock. "W-what?! No! I've been doing great with my studies lately! I aced all of my exams for the first time in my life!"


"At ano, uuwi ka naman dito na buntis?" dagdag na naman ng tatay ni Simeon. Oh my gosh! Why is he even here?! Hindi naman siya kapamilya!


"Buntis?! Napaka-advance niyo naman! Pa, please! I can't just throw away my life in Brooklyn! Ngayon lang ako nagkaganito, na maayos ang pagaaral ko at hindi ako napapatawag ng guidance office!"

"I don't care! Hindi na kayo aalis ng pinsan mo, and that's final!"


"Tama Tito, 'wag na po kayong pumayag na masunod pa si Sab. Mali po talagang hindi niyo sila nababantayan," dugsong pa ni Simeon.


Marina freaked out when she heard what my father said. "Teka, bakit pati ako damay? Hindi naman ako po nakikitulog kila Lucas! Tsaka wala naman talagang ginagawa sila Sab at Russell ah! Kahit na nasa America kami, hindi liberated 'yang dalawang 'yan! This is so unfair!"

Umiyak ang pinsan ko kaya mas lalong nagkagulo. Tita Myra tried to calm her daughter but she couldn't. Bumaling siya kay Kuya Milo upang humingi ng tulong. "Milo, ilabas mo nga muna silang dalawa!"



Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon